Young Women
Mga Responsibilidad


mga dalagitang nakangiti

Ang Aking Calling Bilang Stake Young Women President

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Young Women

Ang Young Women organization ay tumutulong sa mga anak na babae ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Tinutulungan nito ang mga kabataang babae na maging habambuhay na disipulo ni Jesucristo habang gumagawa at tumutupad sila ng mga sagradong tipan at pinapalalim ang kanilang pagbabalik-loob. Sa kanilang mga klase at pagtitipon, ang mga kabataang babae ay naglilingkod sa kapwa, tumutupad sa responsibilidad sa tipan, bumubuo ng pagkakaisa, at natututuhan at ipinamumuhay ang doktrina. (Tingnan ang Pangkalahatang Hanbuk, 11.1.1.)

Stake Young Women President

Inihahanda ng stake Young Women president ang “batalyon ng kabataan” ng Panginoon na tipunin ang Israel sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga pagsisikap na mapatatag ang pananampalataya at mapalakas ang mga tao (tingnan sa Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], Gospel Library). Naglilingkod siya sa stake council at stake youth leadership committee (tingnan sa 6.7.1.2).

Mga Miting

Ang stake Young Women president ang nagtuturo sa mga ward organization presidency sa taunang stake leadership meeting (tingnan sa 29.3.4), dumadalo sa mga presidency meeting at coordinating council meeting kapag inanyayahan ng Area Seventy (tingnan sa 29.4), at nagsasalita sa mga sacrament meeting at iba pang mga setting kapag inanyayahan ng stake presidency.

Mga Aktibidad

Sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency, ang stake Young Women presidency ay magpaplano at magko-coordinate ng mga aktibidad at camp ng Young Women sa stake (tingnan sa 6.7.1.2). Para sa aktibidad na kasama ang maraming stake, magkakasamang magsasanggunian ang mga presidency upang magrekomenda sa stake presidency ng mga combined activity (tingnan sa 20.3.1).

Mga Tuntunin at Patakaran

Ang mga karagdagang tuntunin at patakaran ay matatagpuan sa bahagi 11.6 ng Pangkalahatang Hanbuk.