Sunday School
Mga Responsibilidad


lalaking nagtuturo sa klase

Ang Aking Calling Bilang Stake Sunday School Secretary

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang overview ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Ang Layunin ng Sunday School

Ang Sunday School ay tumutulong sa pagsasakatuparan ng gawain ng Diyos ukol sa kaligtasan at kadakilaan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga anak ng Diyos na matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 13.1).

Stake Sunday School Secretary

Sa ilalim ng pamamahala ng stake Sunday School president, ang mga responsibilidad ng secretary ay kinabibilangan ng paghahanda ng mga agenda para sa mga miting, pagtatala at pagsubaybay sa mga assignment sa mga miting ng presidency, pag-iingat ng iba pang mga talaan, paghahanda ng mga report ayon sa mga kahilingan ng panguluhan, at pagtulong sa paghahanda ng taunang badyet (tingnan sa 6.7.3).

Mga Miting at Council

Ang stake Sunday School presidency at secretary ay regular na nag-uusap (tingnan sa 29.3.4).

Mga Tuntunin at Patakaran

Ang mga karagdagang tuntunin at patakaran ay matatagpuan sa bahagi 13.7 ng Pangkalahatang Hanbuk.