Ang Aking Calling bilang Counselor sa Stake Sunday School Presidency
Mga Responsibilidad
Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang overview ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
Ang Layunin ng Sunday School
Ang Sunday School ay tumutulong sa pagsasakatuparan ng gawain ng Diyos ng kaligtasan at kadakilaan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga anak ng Diyos na matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 13.1).
Stake Sunday School Counselor
Kabilang sa mga responsibilidad ng stake Sunday School presidency ang pagsisikap na mapalakas ang pananampalataya at mga tao at pamilya sa stake, pagbibigay ng oryentasyon sa mga bagong tinatawag na ward Sunday School presidency, at pag-aalok ng patuloy na suporta at pagtuturo (tingnan sa 6.7.1). Sinusuportahan din ng mga counselor ang stake Sunday School president na may karagdagang mga tungkulin.
Mga Miting at Council
Ang stake Sunday School presidency ay regular na nagtatalakayan. Nagpaplano at nangangasiwa sila ng mga stake leadership meeting para turuan ang mga ward Sunday School leader ng kanilang mga tungkulin, tulungan silang mapabuti bilang mga lider at guro, at palakasin ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo (tingnan sa 29.3.4).
Mga Tuntunin at Patakaran
Ang mga karagdagang tuntunin at patakaran ay matatagpuan sa bahagi 13.7 ng Pangkalahatang Hanbuk.