Ang Aking Caling Bilang Stake Seminary at Institute Teacher
Mga Responsibilidad
Mga Seminary at Institute
Tinutulungan ng Seminaries and Institutes of Religion (S&I) ang mga magulang at lider ng Simbahan sa pagtulong sa mga kabataan at young adult na palalimin ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan kasama ang kanilang Ama sa Langit (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 15, Gospel Library; “Ang Layunin ng mga Seminary at Institute of Religion,” Gospel Library).
Pagtipon ng mga Estudyante
Ang mga seminary at institute ay may iba’t ibang paraan para matipon ang mga estudyante, kabilang ang mga in-person, online, remote, at home study program. Ang pagtitipon sa ganitong mga paraan ay makatutulong sa pagpapalalim ng pagbabalik-loob kay Jesucristo. Isipin ang mga personal na paanyaya na ito ni Pangulong Russell M. Nelson at ang mga pagpapalang dapat matupad kapag nakikibahagi ang mga estudyante sa seminary at institute: “Personal na Paanyaya na Dumalo sa Seminary” at “Personal na Paanyaya na Dumalo sa Institute.”
Magturo
Itinutuon ng mga teacher ang bawat karanasan sa pagkatuto kay Jesucristo at sa Kanyang halimbawa, mga katangian, at kapangyarihang tumubos. Naghahanap sila ng mga paraan para matulungan ang mga estudyante na matutuhan ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo na nasa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta, matuto sila mismo, at hayaang gabayan ng Espiritu Santo. Kapag ang salita ng Diyos ay itinuro at tinanggap ng Espiritu, may kapangyarihan itong baguhin ang mga puso at magbigay-inspirasyon sa mas malalim na pagbabalik-loob sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 17.1).
Mga Hamon at Damdamin
Ang tawag na magturo sa seminary o institute ay maaaring kapana-panabik. Maaari rin itong magbigay ng damdamin ng kawalan ng katiyakan, kakulangan, o kahit ng kaunting pagkabalisa. Alam ng Tagapagligtas ang iyong damdamin at tutulungan kang maging matagumpay. Ang mga karanasan mo sa buhay na may kasamang patuloy na pagsasanay at suporta mula sa isang kinatawan ng S&I ay lilikha ng magandang pagkakasundo upang matugunan ang iyong mga personal na pangangailangan bilang teacher at tulungan ang iyong mga estudyante na palalimin ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo. Ang kinatawan ng S&I na nakatalaga sa inyong lugar ay makikipag-ugnayan sa iyo para magbigay ng dagdag na direksyon, suporta, at resources. Ang resources sa kasunod na link ay available din para tulungan ka kung kinakailangan: Teacher Resources.
Espirituwal na Pokus
Patuloy na sikaping ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo at hangarin ang pagsama ng Espiritu Santo sa iyong personal na buhay. Ang Espiritu ay isang kaloob na makakatulong sa atin na mapaunlad at mapabuti ang ating pagganap, kaalaman, saloobin, pagkatao, at marami pang iba. Patuloy na sikaping maging mag-aaral ng ebanghelyo. Ang pagiging disipulo ay magpapalakas sa inyong pananampalataya at magpapalalim sa inyong pagbabalik-loob kay Jesucristo.