Relief Society
Mga Responsibilidad


grupo ng mga babaeng nakangiti

Ang Calling Ko Bilang Relief Society Teacher

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang buod ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Relief Society

Ang Relief Society ay isang organisasyong itinatag ng Diyos para sa lahat ng adult na kababaihan sa Simbahan. Ang Relief Society ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang layunin ng Relief Society ay “magligtas ng mga kaluluwa at bigyang-ginhawa ang mga nagdurusa”—sa paglalaan ng kaginhawahan ng Tagapagligtas (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 9.1).

Mga Relief Society Teacher

Ang mga teacher ay tinatawag upang tulungan ang mga tao na palakasin ang kanilang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Sinusuportahan ng mga Relief Society teacher ang panguluhan. Mapanalanging pumipili ang Relief Society presidency ng mga mensaheng ituturo batay sa mga pangangailangan ng mga sister (tingnan sa 9.2.1.2).

Mga Miting sa Araw ng Linggo

Ang mga Relief Society ay nagmimiting sa ikalawa at ikaapat na Linggo na may layuning palakasin ang pananampalataya kay Jesucristo, bumuo ng pagkakaisa, at patatagin ang mga pamilya at tahanan. Ang mga miting ay nagsisimula sa panalangin at kinabibilangan ng oras para magkausap-usap at magturo ng ebanghelyo at magtalakayan batay sa mga pinakahuling mensahe sa kumperensya (tingnan sa 9.2.1.2).

Mga Alituntunin ng Pagtuturong Tulad ng Pagtuturo ni Cristo

Ang pagtuturo sa paraan ng Tagapagligtas ay isang sagradong pagtitiwala at responsibilidad. Kapag nagtuturo ng ebanghelyo, sundan ang halimbawa ng Tagapagligtas, na siyang Dalubhasang Guro. Sinusunod ng mga Relief Society teacher ang mga alituntunin sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas at sa kabanata 17 ng Pangkalahatang Hanbuk (tingnan sa 17.1).

Pag-aaral ng Ebanghelyo na Nakasentro sa Tahanan

Kapag pinag-aaralan at ipinamumuhay ng mga miyembro ang ebanghelyo sa tahanan, lumalalim ang kanilang pagbabalik-loob sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Hinihikayat ng mga Relief Society leader ang mga sister na pag-aralan ang mga banal na kasulatan at ang mga salita ng mga buhay na propeta, nang mag-isa at kasama ang kanilang pamilya (tingnan sa 17.2).