“Ang Mabuting Halimbawa ni Ammon,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Ang Mabuting Halimbawa ni Ammon”
Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa
Ang Mabuting Halimbawa ni Ammon
Mula sa Alma 17–19
Si Ammon at ang kanyang mga kapatid ay mga missionary. Kung minsan ay nagugutom at napapagod sila, pero patuloy silang nagturo ng tungkol kay Jesus.
Si Ammon at ang kanyang mga kapatid ay nagpunta sa isang malayong lupain para magturo sa kanilang mga kaaway ng tungkol kay Jesus.
Nahuli si Ammon ng ilang kalalakihan at dinala siya kay Haring Lamoni. Sinabi ni Ammon sa hari na gusto niyang maglingkod sa kanya.
Nagtrabaho nang husto si Ammon. Pinrotektahan niya ang mga tupa ng hari mula sa mga tulisan. Nagpasalamat ang hari. Nakinig siya kay Ammon.
Itinuro ni Ammon sa hari ang tungkol sa Diyos at sa mga banal na kasulatan. Naniwala ang hari sa kanya. Maraming tao ang nabinyagan dahil sa mabuting halimbawa ni Ammon.
Matutulungan natin ang iba sa pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa tulad ni Ammon!
Panoorin ang Book of Mormon stories sa lds.org/children/scripture-stories.
Pahinang Kukulayan
Nagpapasalamat Ako para sa Aking Katawan
I-click ang larawan para mai-download.
Paglalarawan ni Apryl Stott