2022
Ano ang mga Pangunahing Mensahe sa Mga Awit?
Agosto 2022


“Ano ang mga Pangunahing Mensahe sa Mga Awit?” Liahona, Ago. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mga Awit

Ano ang mga Pangunahing Mensahe sa Mga Awit?

mga kamay ni Jesucristo na may hawak na lampara upang ilawan ang isa pang lampara na hawak ng isang babae

Isang Kaloob na Liwanag, ni Eva Timothy

Isinulat ng pitong iba’t ibang awtor, ang aklat ng Mga Awit, tulad ng mga himno ngayon, ay umaawit ng mga papuri sa Panginoon, nagpapasalamat, at nagpapatotoo tungkol sa Mesiyas. Ang mga awit ay nagpapahayag ng tiwala sa Panginoon at ng Kanyang kapangyarihan at mga pagpapala. Isiping pag-aralan ang ilan sa mga awit ayon sa paksa.

  • Kabutihan ng Diyos: Mga Awit 36; 46; 67; 103; 104

  • Kadakilaan ng Diyos: Mga Awit 18; 105; 136

  • Mesiyas: Mga Awit 16; 40; 118; 132

  • Papuri: Mga Awit 9; 47; 67

  • Pagsisisi: Mga Awit 32; 38; 51

  • Magtiwala sa Panginoon: Mga Awit 11; 27; 62; 91

  • Karunungan: Mga Awit 1; 14; 15; 34; 37; 119

  • Sion: Mga Awit 48; 76; 84

“Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Diyos” (Mga Awit 46:10).

“Ilawan sa aking mga paa ang salita mo” (Mga Awit 119:105).

“Maligaya ang bayan na ang Diyos ay ang Panginoon” (Mga Awit 144:15).