2021
Minamahal na mga Kaibigan
Agosto 2021


Minamahal na mga Kaibigan,

Ang inyong katawan ay ipinagkaloob sa inyo ng Ama sa Langit. Ibinigay Niya sa atin ang Word of Wisdom upang turuan tayo kung paano panatilihing malusog at malakas ang ating katawan.

Nais din ng Ama sa Langit na pangalagaan natin ang ating isipan at espiritu. Nais Niyang maging masaya tayo at malusog sa lahat ng paraan! Pumunta sa pahina 24 upang malaman kung paano pangangalagaan ang inyong sarili. Maaari rin ninyong basahin ang isang kuwento sa pahina 42.

Pangalagaan ang iyong sarili!

Ang Kaibigan

family reading the Friend magazine outside

Saan Namin Binabasa ang Kaibigan

Binabasa nina Jian Hao, Zi Yue, at Zi Ying., edad 10, 5, at 8, ang Kaibigan sa wikang Portuges sa Pernambuco, Brazil.

boy standing in front of temple

Templo’y Ibig Makita

Binisita ni Noah F., edad 8, ang Preston England Temple.

A photo of Alice Walker

Mga Bagong Kaibigan

Natakot ako na baka hindi ako magkaroon ng mga bagong kaibigan nang lumipat kami sa South Korea. Noong binabasa ko ang Kaibigan, nakita kong hawak ni Matt ang bandila ng South Korea sa aktibidad na “Hanapin Ito!” (Abril 2020). Sabi ni Matt, “Saanman kayo magpunta sa mundo, pareho lang ang Primary.” Nadama kong sinasabi sa akin ng Ama sa Langit na tama si Matt at na maaari akong pumunta sa Primary sa South Korea at magkaroon ng mga kaibigan!

Alice W., edad 10, Gyeonggi-do, South Korea