Ipakita at Ikuwento
Tinanong ko ang inay ko kung maaari akong sumakay ng scooter. Sabi niya ay maaari ko lamang itong sakyan sa paligid ng kalye. Napalayo ako nang kaunti at naligaw ako. Natakot ako at umusal ng dasal. Pagkatapos, nakilala ko ang ilang lugar at nalaman kong malapit na ako sa bahay ko. Nagpapasalamat ako na tinulungan ako ng Ama sa Langit.
Jack S., edad 9, Masovia, Poland
Nagdesisyon akong magpabinyag at masaya akong ginawa ko ito! Ang paggawa ng mga tamang pasiya ay mahalaga.
Alicia P., edad 9, Masovia, Poland
Alam kong pinili ko ang tama at tinularan ang halimbawa ni Jesucristo nang nagpabinyag ako. Pagkatapos ay nakadama ako ng tuwa at kapayapaan. Mahal ko ang aking Tagapagligtas.
Zion M., edad 9, Waikato, New Zealand
Naglilingkod ang tatay ko sa isang lalaking bulag. May gusto akong gawin para sa kanya. Tinulungan ako ng tatay ko na maingat na magbutas ng espesyal na mensahe sa karton para makapa ito ng lalaki gamit ang kanyang mga daliri. Mababasa rito, “Mahal ka ni Jesus.” Sumama ako sa tatay ko para ibigay ito sa kanya. Nagulat at sumaya ang lalaki nang makapa niya ang mga letra.
Amber F., edad 6, Utah, USA
Pakiramdam namin ay para kaming si Nephi nang ginawa namin ang mga pana namin.
Neil at Aaron H., edad 8 at 10, Alaska, USA
Nagsagawa ang paaralan ko ng remote na pag-aaral ng ilang panahon dahil sa COVID-19. Gumawa ako ng isang modelo ng isang templo ng mga Nephita sa pagitan ng aking mga klase.
Samuel J., edad 9, Ohio, USA
Mahal namin ang ating Tagapagligtas at lagi namin Siyang inaalala.
Vianca at Avril V., edad 10 at 6, Cundinamarca, Colombia
Meredith B., edad 7, North Carolina, USA
“Gustung-gusto Kong Makita ang Templo,” Clara B., edad 11, Minnesota, USA
“Ang Ikalawang Pagparito,” Santiago C., edad 11, Santiago, Chile
Emerson G., edad 8, Washington, USA