Library
Pagtuklas sa Banal na Disenyo sa Aking Pamilya: Sandra Singer


2:23

Pagtuklas sa Banal na Disenyo sa Aking Pamilya: Sandra Singer

Debosyonal ng Relief Society sa 2026: Isang Pandaigdigang Pagtitipon ng Kababaihan

Linggo, Marso 8, 2026

Sinabi ni Pangulong Dallin H. Oaks, “Mahalaga na hindi mawala sa mga Banal sa mga Huling Araw ang kanilang pang-unawa sa layunin ng kasal at kahalagahan ng mga anak. Iyan ang kinabukasan na sinisikap nating makamtan.”

May panahon na lumipat kami nang malayo sa aming mga pamilya, at napunta kami sa ibang bansa. At doon na nagkaroon ng mas malaking kahulugan ang pamilya. Kapiling namin ang isa’t isa, pero nalaman namin na mas malaki rin ang pamilya namin saanman kami nakatira dahil palagi kaming may ward o branch o stake o district na kasama ang mga miyembro na kapareho namin ng mga mithiin at kapareho ng pananampalataya. Ang mga miyembro ng Simbahang ito ay nasa iba’t ibang panig ng mundo.

Maaaring isipin ng 900,000 na sumapi sa Simbahan nitong nakalipas na tatlong taon, “Paano ako magkakaroon ng pamilya na katulad ng pinag-uusapan namin sa Simbahan ni Jesucristo?” Pero narito ako para sabihin sa lahat ng kababaihan sa buong mundo, na dahil ito kay Jesucristo. Ito ay dahil sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw—sa mga tipang ginagawa natin—kung kaya may pagkakataon tayong lahat na magkaroon ng pamilya. Iyong tipo ng pamilya na pinapangarap ninyo. Iyong tipo ng pamilya na nagkakaisa, nagtutulungan, at nagmamahalan. Pinatototohanan ko na posible ito, na maaari tayong magkaroon ng kagalakan bilang pamilya. Alam kong totoo ito, at alam kong totoo ito para sa inyo.

Tala

  1. Dallin H. Oaks, “Ang Nakasentro sa Pamilya na Ebanghelyo ni Jesucristo,” Liahona, Nob. 2025, 121.