Disyembre 18, 2024

Ang Mga Requirement Para sa Credit sa Seminary ay Magpapalalim sa Pagbabalik-loob ng mga Estudyante kay Jesucristo

Isang binatilyo ang nagbahagi ng mga turo ng mga banal na kasulatan

 


“Lahat ng ginagawa natin ay dapat magpalalim sa ating pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo dahil Siya ang sagot sa … mga hamon at tanong [ng mga estudyante]” (Chad H Webb, “Messengers of the Good News”).


Lahat ng ginagawa natin sa Seminary ay naglalayong isakatuparan ang “Layunin ng mga Seminary at Institute”. Kabilang dito ang mga seminary credit requirement. Para makatanggap ng credit para sa seminary, kakailanganin ng mga estudyante na basahin ang mga piling sipi sa banal na kasulatan, makibahagi sa mga learning assessment, at patuloy na dumalo palagi sa seminary.

Bukod pa rito, hinihikayat ng mga guro ang mga estudyante na magtakda ng mga personal na mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan at subaybayan ang mga ito. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ng mga personal na mithiin ang pagbabasa ng nakaatas na mga kabanata at sipi sa Aklat ni Mormon mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Dahil sa personal na katangian ng mga mithiing ito, hindi ito ire-report ng mga estudyante sa guro (at hindi susubaybayan ang mga ito sa WISE). Maaaring piliin ng mga estudyante na subaybayan ang kanilang mga mithiin sa mySeminary para sa kanilang kapakinabangan.


“Ito ay … mangangailangan ng mas personal at indibiduwal na atensyon ng mga guro. Magdaragdag ito ng gawain, ngunit ito ay isang gawaing dapat ikatuwa ng mga guro dahil ang kanilang personal na ministeryo ay kasinghalaga ng kanilang pagtuturo sa klase. Kung magagawa ito ng sinuman, magagawa rin ito ng inyong mga guro. Kahanga-hanga sila” (Pangulong Henry B. Eyring na sinipi ni Chad H Webb, “Messengers of the Good News”).


 


icon ng banal na kasulatan

Mga Requirement na Babasahin

Kabilang sa mga bagong Seminary Scripture Passages ang halos 60 pahina mula sa aklat ng banal na kasulatan para sa kurso (30 pahina bawat tradisyonal na term/semestre). Ang mga pahinang ito ay maingat na pinili dahil sa lalim at yaman ng doktrina nito. Dagdag pa rito, ang mga sipi sa banal na kasulatan ang dapat maging pamantayan sa makeup work para sa dating hindi nagawang mga requirement na babasahin.

Pagtatala ng pagbabasa sa WISE

 

Mga Learning Assessment

Sa 2025 kailangang makibahagi ang mga estudyante sa kahit isang lesson lang sa I-assess ang Iyong Pagkatuto sa bawat kalahati ng kurso para makatanggap ng credit sa seminary graduation.

Pagtatala ng mga Assessment sa WISE

  • Ang mga guro ay itatala ang credit sa WISE para sa mga estudyanteng lumahok sa kahit isang lesson lang sa I-assess ang Iyong Pagkatuto sa bawat kalahati ng kurso.

Mga Learning Assessment sa Online at Home-Study

Ang mga online at home-study assignment ay dapat makumpleto at isumite gaya ng sumusunod:

  • Mga Online Student: Kumpletuhin ang isang assessment at isumite ito sa Canvas.
  • Mga Home-Study Student: Kumpletuhin ang assessment at isumite ito ayon sa tagubilin ng home-study teacher.

Pag-aangkop para sa mga Estudyanteng may mga Kapansanan

Ang layunin ng pag-aangkop sa mga assessment ay upang makalahok sa assessment ang mga estudyanteng may partikular na mga pangangailangan, kapansanan, o problema sa kalusugan na tulad ng iba pang mga estudyante. Dapat gumawa ng nararapat na mga pag-aangkop ang mga guro para matugunan ang partikular na mga pangangailangan, kapansanan, o problema sa kalusugan ng kanilang mga estudyante. Alamin ang iba pa.

Mga Estudyanteng Humihiling ng mga Makeup Assessment

Para sa mga estudyanteng humihingi ng mga makeup assessment para sa 2025, maaari silang bigyan ng mga guro ng angkop na lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto na nasa apendise ng manwal ng guro sa seminary. “Ang I-assess ang Iyong Pagkatuto, Part 1” ay maaaring ibigay sa mga estudyante para maihabol ang assessment para sa unang kalahati ng kurso. Ang “I-assess ang Iyong Pagkatuto, Part 2” ay maaaring ibigay sa mga estudyante para maihabol ang assessment para sa ikalawang kalahati ng kurso.

Para sa mga estudyanteng humihiling ng mga makeup assessment para sa mga nakaraang taon, maibabahagi ng mga guro ang mga materyal sa Learning Assessment na nakalista sa ibaba. Ang makeup assessment ay maaari nilang gawing mag-isa o kasama ang iba. Ipagkakaloob ang credit kapag naibalik na sa guro ang assessment.

Aklat ni Mormon (2024)

Bagong Tipan (2023)

Lumang Tipan (2022)

 

Attendance

Ang mga estudyanteng hindi bababa sa 75 porsiyento ang attendance nang personal o paglahok online ay tatanggap ng credit. Ang pagdalo sa seminary ay nagpapala sa mga estudyante sa kanilang mga pagsisikap na maging habambuhay na mga disipulo ni Jesucristo.