Lugar ng Tahanan ni David Whitmer

Si David Whitmer, isa sa Tatlong Saksi ng Aklat ni Mormon at isa sa mga naunang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ay nagtayo ng tahanan sa Richmond, Ray County, Missouri, noong 1838. Isang plake sa gusaling yari sa brick o ladrilyo kung saan nakatayo noon ang bahay ang inilagay na pananda ngayon sa lugar.
Lugar ng Tahanan ni David Whitmer
Exterior image of the David Whitmer homesite. Image features a brick building in Richmond, Missouri.
Ang lugar na ito ay hindi pag-aari o pinangangasiwaan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang lugar ay pribadong pag-aari at sarado sa mga bisita. Maging magalang sa pagbisita.

Physical Address
114 E Main St
Richmond, Missouri 64085
USA

Physical Address

114 E Main St
Richmond, Missouri 64085
USA

Services
Cell Service

Services

Cell Service

Exterior image of the David Whitmer Homesite. Image features a brick building with a sign that reads, "Site of the David Whitmer Home" in Richmond, Missouri.
Exterior image of the David Whitmer homesite. Image features a brick building in Richmond, Missouri.
Noong tagsibol ng 1838, lumipat si David at ang kanyang pamilya sa Richmond sa Ray County, Missouri mula sa Far West. Doon, nagtayo si David ng isang bahay na nasa isang kalye sa Silangan ng hukuman malapit sa gitna ng bayan. Si David at ang kanyang pamilya ay tumira sa bahay sa Richmond hanggang noong Hunyo 1, 1878, nang wasakin ito ng buhawi. Pagkatapos ng buhawi, muling itinayo ang bahay.

Si David Whitmer at ang kanyang pamilya ay kabilang sa mga unang Banal sa mga Huling Araw na nanirahan sa Missouri. Noong 1832, nagtatag sila ng isang maliit na pamayanan sa labas ng Independence. Pinalayas ng mga residente sa Missouri si David, at ang branch na pinamunuan niya, mula sa kanilang mga tahanan noong Nobyembre nang sumunod na taon. Naghahanap ng kanlungan sa Clay County noong 1834, tinanggap ni David ang tawag na mamuno sa pangalawang stake ng Simbahan.

Pagsapit ng 1837, lumipat si David at ang kanyang pamilya sa Far West, Caldwell Co., Missouri. Doon, nagkaroon ng mga tensiyon sa pagitan ng mga miyembro ng Pamilya Whitmer at ng mga lider ng Simbahan. Hindi nagtagal matapos siyang lumipat sa Far West, nawalan ng tiwala si David sa pamumuno ni Joseph Smith at sumama sa iba pang mga tumiwalag sa Simbahan. Kalaunan ay lumipat si David at ang kanyang pamilya sa Richmond. Bagama’t hindi na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, patuloy na nagpatotoo si David tungkol sa Aklat ni Mormon. Siya ay nanirahan sa Richmond, na nangangasiwa sa isang kuwadra ng mga paupahang kabayo hanggang sa mamatay siya noong Enero 25, 1888. May itinayong monumento sa Tatlong Saksi, kabilang si David Whitmer, sa Richmond Pioneer Cemetery,kalahating milya (.8 km) sa hilagang-silangan ng Richmond Cemetery.

Basahin ang iba pa tungkol sa buhay ni David Whitmer sa Missouri sa Tomo 1, Kabanata 26–27 at Tomo 2, Kabanata 30.


Ano ang Aasahan


Ngayon, wala na ang orihinal na tahanan ni David Whitmer. Nakatayo sa lugar ang gusaling yari sa brick o ladrilyo na may isang palapag. Isang maliit na tansong plake sa bahagi ng gusali sa tabi ng Second Baptist Church ang inilagay na marker o pananda sa lugar ng tahanan ni David Whitmer. Ang gusali ay pribadong pag-aari.

Paradahan

  • May maliit na paradahan sa kalye na walang nakatalagang paradahan para sa mga may kapansanan

Daraanan at Sahig



Labas

  • Kalsada: Aspalto (maayos ang kundisyon); padalisdis
  • Bangketa: konkreto (maayos ang kundisyon); padalisdis

Mga upuan

  • Walang mauupuan
Lugar ng Tahanan ni David Whitmer
Exterior image of the David Whitmer homesite. Image features a brick building in Richmond, Missouri.
Ang lugar na ito ay hindi pag-aari o pinangangasiwaan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang lugar ay pribadong pag-aari at sarado sa mga bisita. Maging magalang sa pagbisita.

Physical Address
114 E Main St
Richmond, Missouri 64085
USA

Physical Address

114 E Main St
Richmond, Missouri 64085
USA

Services
Cell Service

Services

Cell Service

Last Updated On Sep 03, 2025