Ang libingan ni David Whitmer ay nasa Richmond Cemetery. Siya ay inilibing sa tabi ng kanyang asawang si Julie Ann Jolly Whitmer, at ng kanyang anak na si David J. Whitmer. Ang mga nakasulat sa marker o pananda sa libingan ay nagpapatotoo sa Aklat ni Mormon at sa mga walang-hanggang katotohanan nito.
Bilang isa sa Tatlong Saksi, hindi itinatwa ni David Whitmer ang kanyang patotoo sa Aklat ni Mormon. Matapos lisanin ang Simbahan at lumipat mula sa Far West noong 1838, ginugol ni David ang buong buhay niya sa Richmond, Missouri. Doon, pinangasiwaan niya ang isang kuwadra ng mga paupahang kabayo at naglingkod bilang alkalde mula 1867–1868. Namatay siya sa Richmond noong ika-25 ng Enero 1888.
May itinayong isang monumento sa Tatlong Saksi, kabilang si David Whitmer, sa Richmond Pioneer Cemetery,isang milya (1.6km) sa hilagang-silangan ng Silangan ng Richmond Cemetery.
Basahin ang iba pa tungkol sa buhay ni David Whitmer sa Missouri sa
Tomo 1, Kabanata 26–27 at
Tomo 2, Kabanata 30.Ano ang Aasahan
Ang Richmond Cemetery, sa West Main Street, ay maaaring itinayo noong 1875. Ito ay libre at bukas sa publiko mula bukang-liwayway hanggang sa dapit-hapon. Ang libingan ni David Whitmer ay matatagpuan 21 talampakan (6.4 metro) mula sa hangganan sa likuran ng sementeryo at 33 talampakan (10 metro) sa silangan ng Middle Cemetery Road. Isang malaking patayong monumento na yari sa limestone ang tanda ng libingan ni David.