Pambungad sa mga Makasaysayang Lugar sa Missouri
Noong 1831, inihayag ng Panginoon na ang Jackson County, Missouri, ang magiging sentro ng Sion. Sa sumunod na mahigit walong taon, nagpalipat-lipat ang mga Banal sa mga Huling Araw na nagsisikap itatag ang Sion habang nakakaranas ng marahas na pang-uusig mula sa kanilang mga kapitbahay.
Mula 1831 hanggang 1838, ang headquarters ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nasa hilagang-silangan ng Ohio sa Estados Unidos. Kasabay nito, sinunod ng mga miyembro ng Simbahan ang utos ng Panginoon at nagtipon sila upang itayo ang lupain ng Sion halos 800 milya ang layo sa Missouri. Dahil sa mga pangyayaring humantong sa pagdakip kay Joseph Smith at sa iba pang mga lider ng Simbahan, napilitang umalis ang mga Banal sa mga Huling Araw mula sa kanilang mga tahanan sa Missouri. Subalit, sa kabila ng lahat ng paghihirap na ito, ang mga katotohanang inihayag ng Diyos dito ay patuloy na nagpapala sa buhay ng mga miyembro ng Simbahan ngayon.
Independence Visitors’ Center, Independence, Missouri.
Pagtitipon sa Missouri
Noong Oktubre 1830, pinamunuan nina Oliver Cowdery at Parley P. Pratt ang isang maliit na grupo ng mga missionary mula sa Tahanan ng mga Whitmer sa Fayette, New York. Ang kanilang misyon ay sa mga pamayanan ng mga American Indian sa Kansas Territory, patawid ng Missouri River mula sa Jackson County, Missouri. Ang mga missionary ay naglakbay nang mahigit 1,000 milya at nakarating sa kanilang destinasyon noong Enero 1831. Hinadlangan ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga missionary na magturo sa kanlurang bahagi ng ilog, kaya bumalik ang mga missionary sa Independence para maghintay ng mga karagdagang tagubilin.
Dumating si Joseph Smith sa Independence noong tag-init ng 1831. Habang naroon, iniutos sa kanya ng Panginoon na magsimulang magtayo ng bagong lungsod kung saan maaaring magtipon ang Kanyang mga tao at kung saan maitatayo ang Kanyang templo. Ang inihayag na plano para sa lungsod ng Sion, na malapit sa Independence, Missouri, ay nagsilbing banal na huwaran na gumabay sa mga pagsisikap ng mga Banal sa mga Huling Araw sa pagtatayo nila ng mga lungsod sa hinaharap.
Iniwan ng libu-libong Banal sa mga Huling Araw ang kanilang mga tahanan sa New York at Ohio at naglakbay sakay ng bagon at bangka papunta sa bagong lungsod ng Sion sa Jackson County, Missouri. Ang malaking pagdagsa ng mga tao ay nakadagdag sa pagkabalisa at pagkapoot ng kanilang mga kapitbahay sa Independence. Ang mga bagong salta na ito ay hindi nila katulad sa maraming paraan, at nag-alala ang mga naunang residente roon na hindi magtatagal ay magdudulot sila ng pagbabago sa pulitika at ekonomiya.

Cornerstone marker sa lote ng templo sa Independence, na pag-aari ng Church of Christ (Temple Lot).
Pag-alis sa Jackson County
Tumindi ang tensiyon noong Hulyo 1833. Nagtipon ang mga mandurumog sa liwasang-bayan ng Independence at mariing hiniling na lisanin ng mga Banal sa mga Huling Araw ang Jackson County pagsapit ng tagsibol. Sa pagkakataong ito, binuhusan ng alkitran at balahibo ng mga mandurumog sina Bishop Edward Partridge at Charles Allen bilang paraan ng pananakot.
Buong tapang na humingi ang mga lider ng Simbahan ng hustisya sa pamamagitan ng pagkuha ng mga abugado para rebyuhin ang kanilang sitwasyon. Nang malaman ito ng kanilang mga kapitbahay, muli silang nag-organisa ng mga mandurumog at sapilitang pinaalis ang mga miyembro ng Simbahan sa kanilang mga tahanan sa Jackson County. Pagsapit ng Nobyembre 1833, ang lahat ay nakahanap ng kanlungan sa kabila ng Missouri River sa Clay County.
Nang malaman ni Joseph Smith ang karahasan na nangyayari sa Jackson County, humingi siya ng payo sa Panginoon. Humingi rin siya ng tulong sa gobernador ng estado ng Missouri na si Daniel Dunklin. Ang tugon ng gobernador ay nagbigay ng suporta sa mga Banal. Kaya, si Joseph at ang iba pang mga lider ng Simbahan sa Ohio ay nag-organisa ng isang grupo ng mga dalawang daang armadong kalalakihan. Sasali sila sa organisadong milisya ng gobernador upang ipatupad ang batas at tulutan ang mga pamilya na makabalik sa kanilang mga tahanan. Nagsimulang magmartsa ang grupo noong tagsibol ng 1834, tinatawag ang kanilang sarili na Kampo ng Israel, o Kampo ng Sion.
Habang papalapit ang kampo sa Fishing River sa Clay County, tumindi ang pag-aalala ng gobernador ng Missouri tungkol sa pagdating nito. Natakot siya na hindi susuportahan ng kalalakihan ng Jackson County ang kanyang awtoridad, at magkakaroon ng labanan. Kaya nagpadala siya ng utos na ang paparating na Kampo ng Sion ay walang matatanggap na opisyal na suporta, kung kaya’t naging ilegal ang pagmartsa. Muling humingi ng payo si Joseph Smith sa Panginoon, at tumanggap siya ng utos na buwagin ang grupo.

Fishing River sa Clay County, Missouri.
Isang Bagong Lugar na Pagtitipunan
Sa loob ng halos dalawang taon, ang mga Banal sa mga Huling Araw na nakatira sa Missouri ay mga refugee. Naghanap sila ng trabaho saanman at umasa na mabibigyan sila ng hustisya sa legal na paraan. Sa huli, nagpasa ng resolusyon ang lehislatura ng estado na bigyan ng lugar na matitirhan ang mga Banal sa mga Huling Araw. Ang bagong likhang Caldwell County ay naglaan ng lupain para sa mga nandayuhang Banal sa mga Huling Araw.
Simula noong 1836, nagtipon ang mga Banal sa Caldwell County. Nagtatag sila ng isang bagong lungsod na pinangalanang Far West na alinsunod sa lungsod ng Sion. Inilipat ni Joseph Smith ang kanyang pamilya sa Far West noong Tag-sibol ng 1838. Sa paninirahan ngayon doon ng Propeta, ang lungsod ay naging isang lugar ng paghahayag. Pagsapit ng Hulyo, nagkaroon ng groundbreaking ang Simbahan para sa itatayong templo sa gitna ng lungsod. Sa panahong iyon, nadagdagan ng ilang libo ang populasyon sa Caldwell County. Tumanggap si Joseph ng paghahayag na nag-aanyaya sa marami pang Banal na lumipat sa Missouri mula sa Ohio.
Noong tag-init na iyon, sina Heber C. Kimball at Orson Hyde, dalawang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol, ay bumalik mula sa Great Britain at ibinalita ang tungkol sa tagumpay roon ng mga missionary. Iniutos ng Panginoon sa Labindalawa na bumalik sa British Isles at tulungan ang mga bagong binyag na magtipon sa Sion sa Amerika.
Dahil inaasahan ang pagdating ng maraming bagong binyag, naghanap ang mga lider ng Simbahan ng iba pang mga lugar na matitirhan. Noong Hulyo, nagtayo sila ng isang lungsod at nag-organisa ng isa pang stake sa Spring Hill sa Daviess County, na pinalitan ng Panginoon ng pangalang Adam-ondi-Ahman. Samantala, napahanga ng mga Banal ang mga may-ari ng lupa malapit sa Dewitt, sa Carroll County. Ang mga may-aring ito ng lupa ay nag-alok ng lupain sa kanilang bayan sa mga Banal sa mga Huling Araw na nangangailangan ng lugar na mapupuntahan mula sa Daviess County. Sabik na tinanggap ng maraming pamilya ang alok na ito.

Far West, Missouri.
Digmaang Mormon-Missouri noong 1838
Ang paglago ng Simbahan sa lugar ay hindi ikinatuwa ng ilan sa mga lokal at may-ari ng lupa. Ang takot at maling palagay noong mga nakaraang taon ay muling nadama sa pagdating ng mas marami pang mga Banal sa mga Huling Araw. Sa huli ay nagkaroon ng labanan sa Daviess County noong Agosto 8, 1838. Ang mga tao roon sa magkabilang panig ay nagtipon sa Gallatin para sa lokal na halalan. Walang nasugatan nang malubha, pero ang may pasobrang mga ulat tungkol sa labanan ay nagpasiklab ng galit at takot sa buong rehiyon.
Nagpatuloy ang armadong labanan sa sumunod na sampung linggo. May pahintulot ang ilang grupo mula sa gobernador na kumilos bilang bahagi ng milisya ng estado, pero maraming armadong kalalakihan ang inilagay ang batas sa sarili nilang mga kamay. Sa kalagitnaan ng Oktubre, sapilitang pinalayas ng mga kaaway ang mga Banal sa kanilang tahanan sa Dewitt. Pinahintulutan ni Joseph Smith ang mga miyembro ng Simbahan na mag-organisa ng isang kontra-opensiba at samsamin ang mga baril at suplay mula sa mga kapitbahay na kumakalaban sa Daviess County. Ang mga aksiyong ito ay lalo lamang nagpatindi ng labanan. Bilang tugon, dinakip ng mga boluntaryo mula sa Ray County regiment ng milisya ng estado ang dalawang scout na mga Banal sa mga Huling Araw. Sa sumunod na labanan sa Crooked River noong Oktubre 25, tatlong Banal sa mga Huling Araw at isang tauhan ng milisya sa Ray County ang napatay. Ang pinakanakahihindik na pangyayari sa labanan ay naganap noong Oktubre 30, 1838. Mahigit 200 armadong kalalakihan ang umatake sa mga banal sa Hawn’s Mill, na pumatay sa 17 at nakasakit sa 14.
Nang makarating ang mga ulat ng labanan sa gobernador, inutusan niya ang milisya na magtipon sa Far West. Ipinahayag niya na ang lahat ng Mormon ay “dapat ituring na mga kaaway at dapat lipulin o palayasin mula sa estado.” Isang malaking hukbo ang pumalibot sa Far West, na inaasahan ang pagkubkob. Gayunman, ang lungsod ay sumuko noong Nobyembre 1, 1838, nang hindi lumalaban. Si Joseph Smith at marami pang ibang mga lider ng Simbahan ay dinakip at dinala para litisin sa kalapit na lugar. Samantala, ang milisya ng estado ay nagnakaw sa lungsod, kinutya at pinagmalupitan ang mga mamamayan, gumawa ng pandarambong, at sa huli ay sinisira ang halos lahat ng ari-arian.

Shoal Creek sa Hawn’s Mill, Caldwell County, Missouri.
Liberty Jail
Pagkaraan ng tatlong linggo ng mga legal na proseso sa Richmond, si Joseph Smith at ang lima pang kalalakihan ay ipinadala sa bilangguan sa Liberty. Hinintay nila roon ang paglilitis sa susunod na limang buwan. Samantala, libu-libong Banal sa mga Huling Araw ang muling naging mga refugee. Ang mga Banal, na napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan at lupain, ay umalis sa Missouri papunta sa kalapit na Iowa at Illinois. Nahaharap sa walang katiyakang bukas, muling nanalangin si Joseph Smith para magabayan at natanggap niya ang tagubilin ng Panginoon.
Ang mga makasaysayang lugar sa Missouri ay nagkukuwento ng tungkol sa mga taon ng karahasan at kaguluhan. Subalit, ang mga ito ay nagpapakita rin kung paano patuloy na pinamumunuan ng Panginoon ang Kanyang mga tao sa pamamagitan ng paghahayag sa Kanyang propeta. Ang mga lugar at kuwentong ito ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga tao. Hinihikayat sila ng mga ito na palakasin ang sarili nilang pananampalataya kay Jesucristo at gumawa at tumupad ng mga tipan sa Diyos. Hinihikayat din nito ang iba na ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo at itatag ang Sion sa mga komunidad kung saan sila naninirahan.

Full-size cutaway model ng Liberty Jail sa Liberty Jail Historic Site, Clay County, Missouri.