Maaaring magrenta ng temple clothing, ngunit hinihikayat ang mga miyembro na magdala ng sarili nilang temple clothing. Libreng ipapahiram ang kasuotan sa bautismuhan.
Ang presentasyon ng endowment ay available sa maraming wika sa bawat templo. Piliin lamang ang nais na wika kapag nag-iiskedyul ng appointment online o magsabi sa recommend desk.
May ilang tulong na magagamit, kabilang na ang mga headset para sa mga patron na mahina ang pandinig. Kontakin lamang ang templo para sa karagdagang impormasyon o kung mayroon kang espesyal na kondisyon o pangangailangan.
Walang temple housing.
Walang arrival center.
Walang distribution center sa templo o sa malapit.
Mayroong visitors’ center na bukas sa publiko.