Mga Banal na Kasulatan
Doktrina at mga Tipan 131


Bahagi 131

Mga tagubilin ni Joseph Smith, ang Propeta, na ibinigay sa Ramus, Illinois, Mayo 16 at 17, 1843.

1–4, Kinakailangan ang selestiyal na kasal sa pagdadakila sa pinakamataas na langit; 5–6, Ipinaliliwanag kung paano ibinubuklod ang mga tao para sa buhay na walang hanggan; 7–8, Lahat ng espiritu ay bagay.

1 Sa selestiyal na kaluwalhatian ay may tatlong kalangitan o antas;

2 At upang matamo ang pinakamataas, ang isang tao ay nangangailangang pumasok sa orden ng pagkasaserdote na ito [ibig sabihin, ang bago at walang hanggang tipan ng kasal];

3 At kung hindi niya gagawin, hindi niya ito matatamo.

4 Maaari siyang pumasok sa iba, subalit iyon na ang katapusan ng kanyang kaharian; hindi siya madaragdagan.

5 (Ika-17 ng Mayo, 1843.) Ang higit na tiyak na salita ng propesiya ay nangangahulugan na nalalaman ng isang tao na ibinubuklod siya para sa buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng paghahayag at ng diwa ng propesiya, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Pagkasaserdote.

6 Hindi maaari para sa isang tao na maligtas sa kamangmangan.

7 Walang anumang bagay na hindi materyal na bagay. Ang lahat ng espiritu ay bagay, subalit ito ay higit na pino o dalisay, at mahihiwatigan lamang sa pamamagitan ng higit na dalisay na mga mata;

8 Hindi natin ito nakikita; subalit kapag pinadalisay ang ating mga katawan, ating makikita na ito lahat ay bagay.