Mga Video ng Aklat ni Mormon - Mga Video tungkol sa Ebanghelyo
Tuklasin ang mga Video ng Aklat ni Mormon mula sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nakasaad sa 45 episode na ito ang mga kuwento sa Aklat ni Mormon ayon sa pagkakasunud-sunod nito. Bawat episode ay nahahati rin sa mas maiikling segment para sa pagtuturo at pag-aaral. Panoorin ang mga inspiradong turo ng mga propeta at ang personal na pagdalaw ni Jesucristo sa mga tao sa lupain ng Amerika. Ang mga video na ito ay inilaan bilang resources sa pag-aaral, pagtuturo, at pagbabahagi upang makatulong sa pagpapatatag ng pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo.