Pagtuturo at Pagkatuto
Magpatotoo nang madalas at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo.


“Magpatotoo nang madalas at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro (2022)

“Magpatotoo nang madalas, at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro

Magturo sa Pamamagitan ng Espiritu

Magpatotoo nang madalas at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo.

Kasanayan: Lumikha ng mga pahiwatig na tutulong sa mga estudyante na maipahayag ang kanilang nadarama, karanasan, at patotoo.

Ipaliwanag

Kapag nagbahagi ang mga estudyante ng kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo, patototohanan ng Espiritu Santo ang katotohanan ng sinasabi nila, kapwa sa kanilang sariling puso at isipan at gayundin sa iba. Ang mga pahiwatig ay isang paraan para matulungan silang magbahagi. Ang mga pahiwatig na ito ay karaniwang kinabibilangan ng dalawang bahagi: Ang unang bahagi ay nag-aanyaya sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang mga damdamin, karanasan, at patotoo at maaaring konektado sa iba pang tools sa pagtuturo, tulad ng mga larawan, tanong, case study, video clip, at himno. Ang pangalawang bahagi ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na magsimulang magbahagi. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nila kukumpletuhin ang hindi tapos na parirala. Ang mahalagang katangian ng mga pahiwatig na ito ay na tinutulungan nila ang mga estudyante na makipag-ugnayan sa Espiritu Santo upang matulungan silang magsimulang mag-isip ng isang paraan para maipahayag ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo.

Ipakita

Larawan

iginuhit na larawan ni Jesucristo

Itinuturo mo ang Doktrina at mga Tipan 45:1–5, at ang alituntunin ay “Si Jesucristo ang ating Tagapamagitan sa Ama.” Ipapakita mo sa mga estudyante ang larawang ito ni Jesucristo at gamitin ang pahiwatig na “Kung sasabihin ko kay Jesucristo ang isang dahilan kung bakit mahal ko Siya, sasabihin ko na …”

Himno

Sama-sama ninyong kinakanta ang “Buhay ang Aking Manunubos” bilang isang klase. Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang kanilang mga paboritong linya na tutulong sa kanila na makumpleto ang pariralang ito: “Alam ko na si Jesucristo ay buhay upang …”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

1:22

Magpraktis

Gugulin ang susunod na limang minuto at tukuyin ang isang larawan, himno, o video clip tungkol kay Jesucristo na nag-uugnay sa isang alituntunin o doktrina sa isang susunod na scripture block. Mag-isip ng isang pahiwatig na tutulong sa mga estudyante na makapag-isip at pagkatapos ay ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, o patotoo tungkol kay Jesucristo na may kaugnayan sa piniling alituntunin o doktrina.

Talakayin o Pagnilayan

  • Paano makatutulong sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng pahiwatig na ibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng higit na kumpiyansa sa pagbabahagi ng mga makabuluhang patotoo at damdamin?

Isama

Bumuo ng pahiwatig sa bawat lesson sa linggong ito na makatutulong sa mga estudyante na maibahagi ang kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?