Pagtuturo at Pagkatuto
Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila.


“Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro (2022)

“Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro

Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral

Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila.

Kasanayan: Tulungan ang mga mag-aaral na lumikha o magpasimula ng mga pag-uusap tungkol sa beanghelyo.

Ipaliwanag

Hiniling ng Panginoon sa mga kabataan at young adult na tumulong sa pagtipon ng Israel. Ang pagbabahagi ng kanilang mga paniniwala at patotoo sa iba ay mag-aanyaya ng karagdagang pagkatuto at magpapalalim ng kanilang pagbabalik-loob sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo. Ang ilang estudyante ay nahihirapan na malaman kung paano sisimulan ang mga pag-uusap na ito tungkol sa ebanghelyo. Maaaring simulan ng mga estudyante ang pakikipag-usap sa iba tungkol sa ebanghelyo sa pamamagitan ng (1) pag-iisip kung ano ang natututuhan nila tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, (2) pagninilay kung sino ang makikinabang sa pag-uusap, at (3) pagpapasiya kung paano nila sisimulan ang pakikipag-usap sa taong iyon. Magagawa ito sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan, tulad ng pagtuturo ng lesson mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, pamumuno sa talakayan sa klase, pagsulat ng maikling liham, pagpapadala ng text message, o pagbabahagi ng isang artikulo tungkol sa Simbahan. Ang layunin ay hindi para ibahagi ang paniniwala o karanasan kundi simulan ang pag-uusap tungkol sa ebanghelyo. Ang paggawa nito ay nag-aanyaya sa iba na magtanong at maghikayat ng iba pang mga pag-uusap sa hinaharap.

Paalala: Kung may mga estudyante ka na natatakot na gawin ito, isipin kung paano mo sila matutulungang umugnay kay Jesucristo. Tutulungan Niya sila kapag binuksan nila ang kanilang bibig upang ibahagi ang Kanyang katotohanan.

Ipakita

Sa pagtatapos ng klase, sabihin sa iyong mga estudyante na pag-isipan kung sino ang gusto nilang bahaginan. Anyayahan sila na magsulat ng maikling liham o mag-text na magbibigay sa kanila ng oportunidad na makipag-usap tungkol sa ebanghelyo kapag nagkikita sila. Halimbawa, maaaring mag-text ang mga estudyante:

  • “May pinag-usapan kami sa seminary na nagpaisip sa akin sa iyo. Ipaalala mo sa akin na ikuwento ito kapag nagkita tayo.”

  • “Uy, medyo napapaisip ako sa kakayahan ng Tagapagligtas na magpatawad. Pwede mo ba ako tulungan sa pag-iisip ng ilang bagay tungkol sa Kanya? Kung pwede, kailan tayo pwedeng mag-usap?”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

1:37

Magpraktis

Mag-isip ng tatlong iba pang parirala na magagamit mo bilang mga halimbawa para matulungan ang mga estudyante na makita kung paano sisimulan ang pakikipag-usap tungkol sa ebanghelyo.

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa pagtulong sa mga mag-aaral na simulan ang pakikipag-usap tungkol sa ebanghelyo?

  • Paano makatutulong ang pagbabahagi ng mga mag-aaral ng kanilang mga paniniwala at patotoo sa kanilang pamilya na maging isang tunay na karanasang nakasentro sa tahanan ang kanilang karanasan sa seminary o institute?

Isama

Ibahagi sa iyong mga estudyante ang ilang halimbawa ng maisusulat nila para masimulan ang pakikipag-usap tungkol sa ebanghelyo, at pagkatapos ay magpraktis na ibahagi ang mga ito sa klase. Sabihin sa iba pang mga estudyante na tulungan silang humusay pa. Sabihin sa kanila na simulan ang pakikipag-usap kapag handa na sila.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

  • Russell M. Nelson, “How to Share the Gospel,” New Era, Hulyo 2011, 48

  • Sharing the Gospel,” ChurchofJesusChrist.org