Pagtuturo at Pagkatuto
Hikayatin ang mga mag-aaral na makilala ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo araw-araw.


“Hikayatin ang mga mag-aaral na makilala ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo araw-araw,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro (2022)

“Hikayatin ang mga mag-aaral na makilala ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo araw-araw,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro

Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral

Hikayatin ang mga mag-aaral na kilalanin ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo araw-araw—personal na koneksiyon.

Kasanayan: Bumuo at magtanong ng mga tanong na makatutulong sa mga mag-aaral na iugnay ang natutuhan nila sa kanilang personal na pag-aaral at pag-aaral kasama ng pamilya ng mga banal na kasulatan sa klase.

Ipaliwanag

Ang pag-ugnay ay ang pagsamahin ang dalawang bagay. Habang tinutulungan ng mga guro ang mga mag-aaral na iugnay ang kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa tahanan tungo sa silid-aralan, pinagsasama o ikinokonekta nila ang dalawang karanasang ito. Maraming paraan para magawa ito. Ang isang paraan ay magbigay ng mga tanong na (1) magsasama ng mga personal na karanasan ng mga estudyante sa personal na pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan sa tahanan o kasama ng pamilya, (2) inaalam kung paano nauugnay ang mga karanasang iyon sa natututuhan nila sa klase, at (3) nagbibigay sa kanila ng oras na pagnilayan at alalahanin ang pinag-aralan nila sa tahanan.

Maaari ka ring maghanda ng mga tanong sa talakayan para sa klase na tutulong sa mga estudyante na maunawaan ang natututuhan nila sa silid-aralan at gamitin ito sa tahanan. Ang mga tanong na ito ay magkakatulad. Inaanyayahan mo ang mga estudyante na isipin kung ano ang mga natutuhan nila sa klase sa araw na iyon at kung paano ito magiging kapaki-pakinabang sa tahanan. Ang mga tanong na ito ay makatutulong sa atin na maging mas nakasentro sa tahanan at sinusuportahan ng Simbahan sa silid-aralan at maihanda ang mga estudyante na magkaroon ng mas maraming karanasan sa pag-aaral sa labas ng klase.

Ipakita

Mga tanong na nag-uugnay sa pag-aaral sa tahanan sa mga karanasan sa silid-aralan:

  • Ano ang natutuhan ninyo sa klase ngayon na konektado o nauugnay sa natututuhan ninyo sa tahanan?

  • Ano ang natutuhan ninyo at ng inyong pamilya tungkol kay Jesucristo sa linggong ito?

  • Ano ang mga tanong na pumasok sa isip ninyo sa pagbabasa ninyo ng mga banal na kasulatang ito?

  • Ano ang paboritong bagay ninyong natutuhan habang pinag-aaralan ninyo o ng inyong pamilya ang mga banal na kasulatang ito?

Mga tanong na nag-uugnay sa pag-aaral sa silid-aralan sa mga karanasan sa tahanan:

  • Ano ang natutuhan ninyo ngayon na magiging pagpapala sa inyo at sa inyong pamilya?

  • Kung maghahanda ka ng limang-minutong lesson tungkol sa mga katotohanang ito, ano ang pagtutuunan mo ng pansin, at bakit?

  • Ano ang mga naranasan ninyo ngayon na magiging kapaki-pakinabang para sa inyong pamilya? Ano ang babaguhin o gagawin ninyo para maiakma sa mga pangangailangan ng inyong pamilya?

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

3:6

Magpraktis

Praktis #1: Nang ginagamit ang mga halimbawa sa ipakita (o sarili mong mga halimbawa), alamin kung paano mo iuugnay ang nararanasan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa tahanan sa nararanasan nila sa klase batay sa sumusunod na mga halimbawang lesson.

Praktis #2: Mag-isip ng tanong para maiugnay ang ginagawa ng mga estudyante sa silid-aralan sa kanilang mga karanasan sa tahanan, batay sa mga sumusunod na halimbawang lesson.

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa pag-anyaya sa masigasig na pag-aaral sa pamamagitan ng karanasang ito?

  • Ano ang iba pang mga paraan na nagawa mong iugnay ang nararanasan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa tahanan sa nararanasan nila sa klase?

Isama

Mag-ukol ng tatlong minuto bago ang simula ng klase bawat araw sa susunod na dalawang linggo para tingnan ang pangalan ng isang estudyante sa iyong roll. Habang tinitingnan mo ang kanyang pangalan, pagnilayan kung ano ang maaaring natututuhan niya sa personal na pag-aaral at pag-aaral kasama ng kanyang pamilya sa tahanan. Sa oras ng klase, itanong sa klase o sa indibiduwal na estudyante ang isa sa mga tanong na ginawa mo. Maaari mo ring isulat ang natutuhan mo habang nagtatanong at nakikinig ka.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?