“Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro (2022)
“Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro
Magtuon kay Jesucristo
Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay.
Kasanayan: Magtanong ng mga tanong na nakatuon sa pag-ugnay ng pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa mga katotohanang itinuturo.
Ipaliwanag
May kapangyarihang dumarating kapag iniuugnay natin ang ating mga pagsisikap para maipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Mag-ukol ng oras sa iyong paghahanda para pagnilayan kung anong mga alituntunin ng ebanghelyo sa scripture block ang tumutulong sa iyo na malaman at maunawaan ang tungkol kay Jesucristo. Pagkatapos ay maingat na bumuo ng mga tanong na nag-aanyaya sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang matututuhan nila tungkol sa Kanyang pagmamahal, kapangyarihan, at awa mula sa mga katotohanang itinuturo. Bukod pa sa pagtulong sa mga estudyante na maunawaan ang doktrina, ang ganitong uri ng mga tanong ay makatutulong din sa kanila na makita kung paano makatutulong sa kanila ang pamumuhay ng doktrinang iyon na maranasan ang Kanyang pagmamahal, kapangyarihan, at awa, at maging higit na katulad Niya. Ang ganitong uri ng mga tanong ay makatutulong din sa mga estudyante na pag-isipan kung paano sila matutulungan ni Jesucristo na ipamuhay ang doktrinang iyon.
Ipakita
Sa halip na itanong …
-
Bakit mahalagang sundin ang batas ng ikapu?
-
Bakit kailangan nating magsisi araw-araw?
Subukang itanong …
-
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa inyong Ama sa Langit at kay Jesucristo as pamumuhay ng batas ng ikapu?
-
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa awa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsisisi araw-araw?
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
Magpraktis sa pamamagitan ng pagbabago ng mga sumusunod na tanong sa mga paraang makatutulong sa mga estudyante na maiugnay ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa mga katotohanang itinuturo.
Sa halip na itanong …
-
Bakit mahalagang pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw?
-
Anong kapangyarihan ang nagmumula sa pagdalo sa templo?
Subukang itanong …
Talakayin o Pagnilayan
-
Paano mo natutuhang makita na nagiging mas makabuluhan ang mga alituntunin ng doktrina kapag iniugnay ninyo ang mga ito sa pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon?
-
Paano nito matutulungan ang ating mga estudyante na mas maunawaan at mas umasa sa mga turo at Pagbabayad-sala ni Jesucristo?
Isama
Tingnan ang susunod na lesson plan mo. Mag-ukol ng 10 minuto sa pagrerepaso ng mga tanong upang matulungan ang mga estudyante na maiugnay ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa mga katotohanang itinuturo.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
Chad H Webb, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo, Nagagalak Tayo kay Cristo” (Seminaries and Institutes of Religion annual training broadcast, Hunyo 12, 2018). broadcasts.ChurchofJesusChrist.org
-
Chad H. Webb, “Empathy” (Seminaries and Institutes of Religion annual training broadcast, Ene. 26, 2021), broadcasts.ChurchofJesusChrist.org