Pagpapalakas ng mga Bagong Miyembro
Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro


“Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro,” Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro (2020)

“Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro,” Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro

Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro: Mungkahing Outline ng Pagsasanay

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga miyembro at missionary sa pagtulong sa bago at nagbabalik na mga miyembro na magpatuloy sa landas ng tipan. Ang mga elders quorum at Relief Society presidency ang responsable sa araw-araw na gawaing misyonero sa ward, kabilang na ang pangangalaga sa bago at nagbabalik na mga miyembro. Sa ilalim ng pamamahala ng stake president at bishop, ang mga elders quorum at Relief Society president ang responsable sa pagtiyak na ang mga lider ng ward at mga ministering brother at sister ay natatanggap ang at kumikilos ayon sa kasunod na mga tagubilin.

Para manatili sa landas ng tipan ang bago at nagbabalik na mga miyembro, kailangang (1) madama nila na kabilang sila sa pamamagitan ng mas malakas na ugnayan sa Diyos at sa iba pang mga miyembro, (2) maniwala sila kay Jesucristo at palakasin ang kanilang pananampalataya sa Kanya, at (3) maging mga disipulo sila ni Cristo sa pamamagitan ng mahahalagang karanasan.

Ang sumusunod na mga aktibidad ay tutulong sa iyo na maituro sa iba pang mga miyembro kung paano gamitin ang bagong mga resource para makatulong sa pagsisikap na ito. Ang mga aktibidad na ito ay maaaring gawin sa stake o ward council kasama ang mga full-time missionary. Ang unang dalawang bahagi ay dapat ding ibigay sa mga ministering companionship na nakatalaga sa bago at nagbabalik na mga miyembro.

Chart: Pagtulong sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro na Manatili sa Landas ng Tipan

  1. Buksan ang Gospel Library (ang app o ang web page) at magpunta sa Mga Hanbuk at Tungkulin, at pagkatapos ay sa Mga Tungkulin sa Ward o Branch, at pagkatapos ay sa Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro. (Ang mga materyal na kakailanganin mo para sa training na ito ay matatagpuan sa bahaging ito.) Buksan at rebyuhin ang “Pagtulong sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro na Manatili sa Landas ng Tipan.” Bilang magkompanyon o grupo, talakayin:

    • Bakit mahalaga ang mga karanasang ito sa pagtulong sa mga tao na pumasok at manatili sa landas ng tipan?

  2. Panoorin ang mga segment ng video na “The Bush Family Story” (sa bahaging Strengthening New Members Videos o “The Battina and Sydney Story” at “The Lynette and Sean Story” (sa bahaging Strengthening Returning Members Videos). Habang nanonood kayo ng mga video, alamin kung paano nailapat sa bawat kuwento ang mga item sa chart sa ilalim ng “Before Baptism or Returning to Church,” “Soon after Baptism or Returning to Church,” at “Within the First Year.”

    7:12
    6:44

    Talakayin:

    • Ano ang mahusay nating ginagawa para tulungan ang bago at nagbabalik na mga miyembro na sumulong?

    • Ano ang isa o dalawang bagay na sa palagay natin ay maaari nating pagbutihin pa?

  3. Panoorin ang video segment na “The Importance of Friendships.” Talakayin:

    • Bakit ang tunay na pakikipagkaibigan sa mga miyembro ay isa sa pinakamatitibay na impluwensya sa pagtulong sa bago at nagbabalik na mga miyembro na pumasok at manatili sa landas ng tipan?

    • Paano tayo makatutulong na magkaroon agad ng tunay na pagkakaibigan sa lalong madaling panahon? Paano natin mapananatili ang mga pagkakaibigang ito?

  4. Panoorin ang video segment na “Working Together.” Talakayin:

    • Paano nagtulungan ang mga miyembro at missionary para matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya Bush?

    • Ano ang maaaring pagbutihin sa ating unit para mas epektibong magkatulungan ang mga miyembro at missionary sa mga pagsisikap na ito?

  5. Panoorin ang video segment na “Blessing New and Returning Members Through Councils.”

    5:25

    Talakayin:

    • Paano nagtrabaho ang mga bishopric, ward council, at missionary coordination meeting bilang isa sa pagtulong kay Salvador na sumulong?

    • Paano nakatulong ang tool na Covenant Path Progress sa mga lider?

    • Ano ang maaaring pagbutihin sa ating unit para mas matugunan ng mga council at miting na ito ang mga pangangailangan ng mga bago at nagbabalik na miyembro?

Ang Aking Landas ng Tipan

  1. Sa bahagi ring iyon sa Strengthening New and Returning Members sa Gospel Library, buksan ang My Covenant Path at magpunta sa pambungad ng “My Covenant Path.” Sama-samang basahin ang pahinang ito at talakayin kung paano magagamit ang My Covenant Path [Ang Aking Landas ng Tipan] para tulungan ang bago at nagbabalik na mga miyembro. Rebyuhin ang kahit dalawang karanasan sa My Covenant Path [Ang Aking Landas ng Tipan]. Talakayin:

    • Paano magtutulungan ang mga ministering brother at sister at missionary para alalayan ang bago o nagbabalik na mga miyembro?

    • Paano makatutulong ang mga karanasang ito sa mga bago at nagbabalik na miyembro na matutuhan ang ebanghelyo, madama ang Espiritu, at magkaroon ng pangmatagalang pakikipagkaibigan sa iba pang mga miyembro?

  2. Planuhin kung paano mo tutulungan ang bago at nagbabalik na mga miyembro na pinaglilingkuran mo na ma-access ang My Covenant Path [Ang Aking Landas ng Tipan]. Kung gumagamit sila ng Android device, maaari nilang i-download ang app mula sa Google Play store dito. Kung gumagamit sila ng iOS device, maaari nilang i-download ang Gospel Library app mula sa Apple App Store dito. Maaari ka ring magbigay ng naka-print na kopya. (Paalala: Mahahanap ng mga bago at nagbabalik na miyembro ang My Covenant Path sa pamamagitan ng pagpunta sa Adults at pagkatapos ay sa New or Returning Members sa Gospel Library.)

Pag-unlad sa Landas ng Tipan

Ang report ng Covenant Path Progress [Pag-unlad sa Landas ng Tipan] ay ginagamit para matulungan ang mga bago at nagbabalik na miyembro na masubaybayan ang kanilang progreso sa landas ng tipan sa unang dalawang taon ng kanilang pagiging miyembro ng Simbahan o pagbabalik sa pagiging aktibo sa Simbahan. Ginagamit din ito para suportahan ang mga taong tinuturuan ng mga missionary. Makukuha ito ng mga lokal na lider sa pamamagitan ng Reports menu sa Member Tools app at sa LCR.

Ang report ng Covenant Path Progress [Pag-unlad sa Landas ng Tipan] ay naka-link sa Preach My Gospel app na ginagamit ng mga full-time missionary. Kapag nag-update ng impormasyon sa isa sa mga ito, ang isa pa ay awtomatikong naa-update. Ang report ay dapat gamitin ng mga lokal na lider bilang pangunahing coordination tool. Dapat palagi nila itong buksan at rebyuhin, at isama bilang bahagi ng ward council, mga coordination meeting, at kapag nakikipagmiting sila sa mga full-time missionary.

Maaaring ma-access at ma-update ng sumusunod na mga lider ang progreso ng bago o nagbabalik na miyembro sa pamamagitan ng Covenant Path Progress:

  • Bagong miyembro (kabilang ang mga magulang ng mga bata)

  • Bishopric (kabilang ang mga clerk at secretary)

  • Elders quorum presidency (kabilang ang mga secretary)

  • Relief Society presidency (kabilang ang mga secretary)

  • Ward mission leader (kabilang ang assistant ward mission leader)

  • Mga ward missionary

  1. Para ma-access ang report, buksan ang Member Tools app (o Leader and Clerk Resources [LCR] online), magpunta sa Reports, at pagkatapos ay piliin ang Covenant Path Progress. Magkakaroon ka ng opsiyon na pumili ng isa sa tatlong bahagi: Mga Bagong Miyembro, Nagbabalik, at Tinuturuan. Bawat bahagi ay magpapakita ng pangunahing impormasyon tungkol sa mga nabinyagan sa nakalipas na dalawang taon at nakatira sa inyong unit at sa mga kasalukuyang tinuturuan ng mga missionary. Kapag tiningnan ang bahaging Returning Members, ang sumusunod na mga lider ay may access para maidagdag ang isang nagbabalik na miyembro matapos matanggap ang pahintulot mula sa nagbabalik na miyembro na idagdag sila:

    • Bishopric (kabilang ang mga clerk at secretary)

    • Elders quorum presidency

    • Relief Society presidency

    • Ward mission leader (kabilang ang assistant ward mission leader)

    Rebyuhin ang listahan ng mga bago o nagbabalik na miyembro at talakayin ang kanilang progreso.

  2. Piliin ang pangalan ng bago o nagbabalik na miyembro (o piliin ang View Details sa LCR at IOS). Nakadispley ang karagdagang impormasyon tungkol sa progreso ng indibiduwal. Talakayin:

  3. Ang mga may access sa pag-edit ay maaaring:

    • Itala ang bilang ng mga dumadalo sa sacrament meeting. (Paalala: Kung hindi makadadalo sa sacrament meeting ang bago o nagbabalik na miyembro dahil sa problema sa kalusugan, markahan na dumadalo sila kung nakapagdaos ng sakramento ang bagong miyembro sa bahay o nakadalo sa online na sacrament meeting.)

    • Idagdag ang pangalan ng isang kaibigan sa impormasyon ukol sa bago o nagbabalik na miyembro.

    • I-update ang mga alituntuning itinuturo (mga post-baptism missionary lesson).

    • Tiyaking tama ang impormasyon tungkol sa mga ministering brother at sister.

  4. Lilitaw ang mga in-app notification kapag nakasaad sa Covenant Path Progress ng isang indibiduwal ang mababang paglahok sa aktibidad ng Simbahan.

  5. Maaari ding i-update ng mga bago at nagbabalik na miyembro ang sarili nilang progreso. Ipahanap sa bagong miyembro ang kanyang profile sa directory sa Member Tools. Pagkatapos, sabihin sa bagong miyembro na mag-tap sa Covenant Path Progress.

  6. Ang mga elders quorum at Relief Society president ang responsable sa pagtiyak na naa-update kaagad ang impormasyon tungkol sa miyembro. Maaari nilang ipagawa sa iba ang responsibilidad na ito. Talakayin kung sino ang mag-a-update ng impormasyon ng miyembro, gaano kadalas (mas mainam kung linggu-linggo) itong ia-update, at paano gagamitin ang Covenant Path Progress sa ward council at lingguhang mga coordination meeting

Katapusan

  1. Ipalabas ang video segment na “How Temples and Family History Strengthen New Members.”

    5:13

    Talakayin kung paano makatutulong ang inyong mga pagsisikap sa bago at nagbabalik-loob na mga miyembro na manatili sa landas ng tipan (tingnan sa Juan 15:16) at sa huli ay matanggap ang lahat ng ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan. Planuhin kung ano ang gagawin ng inyong unit para pangalagaan ang mga bago at nagbabalik na miyembro gayundin ang mga tinuturuan ng mga missionary sa inyong kongregasyon.