Pangkalahatang Kumperensya
Mga Ideya sa Paghahanda


“Mga Ideya sa Paghahandang Lumahok sa Pangkalahatang Kumperensya,” Mga Ideya sa Paghahandang Lumahok sa Pangkalahatang Kumperensya (2020)

“Mga Ideya sa Paghahandang Lumahok sa Pangkalahatang Kumperensya,” Mga Ideya sa Paghahandang Lumahok sa Pangkalahatang Kumperensya

mag-inang nanonood ng pangkalahatang kumperensya

Mga Ideya sa Paghahandang Lumahok sa Pangkalahatang Kumperensya

Tuwing Abril at Oktubre, may pribilehiyo tayong makinig sa mga mensahe ng inspirasyon at patnubay mula sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Kanyang Propeta, mga Apostol, at iba pang mga pinuno ng Simbahan. Ang pangkalahatang kumperensya ay kamangha-manghang kaloob—isang kaloob na dapat nating subukan para anihin ang lahat ng maaari nating pakinabangan mula rito!

Iniisip mo ba kung paano ka mas makapaghahandang “pakinggan Siya” sa darating na pangkalahatang kumperensya? Narito ang apat na ideya:

Magtanong at Maghanap ng mga Sagot

Dapat tayong makinig sa pangkalahatang kumperensya na may mga tanong sa isipan. Itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf: “Ang mga sagot sa inyong mga partikular na panalangin ay maaaring tuwirang magmula sa isang partikular na mensahe o mga kataga. May mga pagkakataon na maaaring dumating ang sagot sa tila walang-kaugnayang salita, kataga, o awitin. Ang pusong puno ng pasasalamat para sa mga pagpapala ng buhay at ang marubdob na hangaring pakinggan at sundin ang mga payo ang maghahanda ng daan para sa personal na paghahayag” (“Pangkalahatang Kumperensya—Hindi Ordinaryong Pagpapala,” Liahona, Setyembre 2011, 5).

0:57

Kaya habang naghahanda ka para sa pangkalahatang kumperensya, isipin ang mga tanong na matagal nang nagpapabigat sa iyong isipan, isulat ang mga ito, at pakinggan ang mga sagot na ipadadala sa iyo ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod sa pangkalahatang kumperensya.

Buksan ang Iyong Puso’t Isipan at Pakinggan Siya

Bukod sa pagsagot sa iyong mga tanong, maaaring may iba pang mga bagay na nais ng Panginoon na sabihin sa iyo. Maging bukas sa anumang mga mensahe Niya para sa iyo. Kung magdarasal ka sa Kanya at tunay na hihingi ng tulong sa pakikinig at pagkilala sa Kanyang tinig, tutulungan ka Niyang mahanap ang mga mensaheng iyon na para sa iyo sa pangkalahatang kumperensya. Para mapaunlad ang ugnayan at skill na ito, panoorin kung paanong “[pinaki]kinggan Siya” ng bawat Apostol ng Panginoon.

taong nagsusulat sa journal

Alamin ang Iba pa Tungkol sa mga Espesyal na Saksi ni Jesucristo

Ang isang dahilan kaya gustung-gusto natin ang pangkalahatang kumperensya ay nagbibigay ito sa atin ng pagkakataon na marinig ang mga Apostol ng Panginoong Jesucristo na gawin ang ipinagagawa sa kanila—magpatotoo bilang mga espesyal na saksi sa Kanya. Habang nakikinig ka sa kanilang mga mensahe, pakinggan lalo na ang itinuturo nila tungkol kay Jesucristo. Ituring itong isang oportunidad na palalimin ang iyong pananampalataya sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo.

Kung gusto mong malaman ang iba pa tungkol sa mga espesyal na saksing ito ni Jesucristo, may magagandang resources sa website ng Simbahan. Ang resources na ito ay magandang paraan para malaman ang tungkol sa mga pinuno ng Simbahan at mapalalim ang iyong patotoo tungkol sa mga espesyal na tungkulin nila.

pamilyang nanonood ng pangkalahatang kumperensya

Anyayahan ang Iba na Lumahok sa Pangkalahatang Kumperensya

Tulad ng Siya ay mayroong mga mensahe para sa iyo, nais ng Diyos na mangusap sa lahat ng Kanyang anak. Isipin ang isang taong kilala mo na makikinabang sa pakikinig sa tinig ng Panginoon sa pangkalahatang kumperensya. Maraming paraan para anyayahan ang iba na maranasan ang pangkalahatang kumperensya:

Pagkatapos ng Kumperensya

Ang pangkalahatang kumperensya ay maaaring maging piging ng mga espirituwal na kaalaman at paghahayag. Para matulungan kang maalala ang mga espirituwal na karanasan mo, maaari mong isulat sa iyong journal kung anong mga tanong mo ang nasagot, anong mga mensahe ang nagbigay-inspirasyon sa iyo, at sa anong mga paraan mo nais magpakabuti. Maaari mo ring ibahagi ang iyong mga iniisip sa mga mahal mo sa buhay. Isipin kung paano ka higit na nailapit ng kumperensya kay Cristo at kung ano ang gagawin mo para patuloy na sumunod sa Kanya at sa mga salita ng Kanyang mga propeta. Tulad ng itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan: “Kung sapat kayong nagtitiwala sa Diyos at pakikinggan [ninyo] ang Kanyang mensahe sa bawat sermon, awitin, at panalangin sa kumperensyang ito, matatagpuan ninyo ito. At kung hahayo kayo at gagawin ang ipinagagawa Niya sa inyo, lalaki ang kapangyarihan ninyong magtiwala sa Kanya, at darating ang panahon na mapupuspos kayo ng pasasalamat na malaman na napagkatiwalaan na Niya kayo” (“Magtiwala sa Diyos, Pagkatapos ay Humayo at Gumawa,” Liahona, Nobyembre 2010, 73).

Narito ang karagdagang resources para maragdagan ang karanasan mo sa pangkalahatang kumperensya:

Tingnan ang “Mga Paraan para Manood o Makinig nang Live sa Pangkalahatang Kumperensya” para malaman kung paano manood o makinig.