Narito ang tatlong salaysay sa banal na kasulatan tungkol sa mga taong nakakita sa Ama:
Ngunit, tulad ng sabi ni Jesus, “ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama” (Juan 14:9 ).
“Ang isa sa mga dakilang pangkalahatang doktrina ng Simbahang ito ay ang ating paniniwala sa Diyos Amang Walang Hanggan. Siya ay isang katauhan, totoo at indibiduwal. Siya ang dakilang Tagapamahala ng sansinukob, gayunpaman Siya ang ating Ama, at tayo ay Kanyang mga anak.
“Nananalangin tayo sa Kanya, at ang mga panalanging iyon ay pag-uusap sa pagitan ng Diyos at ng tao. Tiwala ako na naririnig Niya ang ating mga panalangin at sinasagot ang mga ito. ”
Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008), “Ang mga Bagay na Nalalaman Ko,” Liahona at Ensign, Mayo 2007, 83.
“Ang Ama ang nag-iisang tunay na Diyos. Ang bagay na ito ay tiyak: walang sinumang tataas pa sa Kanya; walang sinumang papalit sa Kanya. … Siya si Elohim, ang Ama. Siya ang Diyos. Siya lang ang nag-iisang Ama.”
Pangulong Boyd K. Packer, Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, “The Pattern of Our Parentage,” Ensign, Nob. 1984, 69.
Kapag nangungusap ang Diyos Ama, pinatototohanan Niya ang Kanyang Pinakamamahal na Anak na si Jesucristo. Halimbawa:
Sa binyag ni Jesus (tingnan sa Mateo 3:17 )
Sa Bundok ng Pagbabagong-anyo kina Pedro, Santiago, at Juan (tingnan sa Mateo 17:5 )
Sa paghahayag kay Nephi (tingnan sa 2 Nephi 31:11, 15 )
Sa pagpapakita ni Jesus sa lupalop ng Amerika (tingnan sa 3 Nephi 11:7 )
Sa Unang Pangitain (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:17 )
“Sa lahat ng ginawa at sinabi ni Jesus, … ipinakikita Niya sa atin kung sino at ano ang pagkatao ng Diyos Amang Walang Hanggan, kung gaano Siya katapat sa Kanyang mga anak sa bawat panahon at bansa. Sa salita at gawa sinikap ni Jesus na ihayag at ipaalam nang husto sa atin ang likas na katangian ng Kanyang Ama, na ating Ama sa Langit.”
Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang Kadakilaan ng Diyos,” Liahona at Ensign, Nob. 2003, 70.
“Isipin ang kapangyarihan ng ideyang itinuro sa pinakamamahal nating himnong ‘Ako ay Anak ng Diyos’ (Mga Himno, 1985, blg. 189). … Narito ang sagot sa isa sa malalaking katanungan sa buhay, ‘Sino ako?’ Ako ay anak ng Diyos na may espiritung angkan ng mga magulang sa langit. Ang mga magulang na iyon ang nagpapakita ng ating walang-hanggang potensyal. Ang makapangyarihang ideyang iyon ay nagbibigay sa atin ng lakas. Mapapalakas nito ang bawat isa sa atin na gumawa ng mga tamang pasiya at hangarin ang pinakamabuti na nasa ating kalooban.”
Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Powerful Ideas,” Ensign, Nob. 1995, 25.