Library
Pamamahala ng mga Priyoridad na Sabay-sabay na Kailangan ng Atensiyon: Garna Mejia


3:12

Pamamahala ng mga Priyoridad na Sabay-sabay na Kailangan ng Atensiyon: Garna Mejia

Debosyonal ng Relief Society sa 2026: Isang Pandaigdigang Pagtitipon ng Kababaihan

Linggo, Marso 8, 2026

Kung sasabihin kong, “Ano ang isang bagay na nakatulong sa akin na malampasan ang isang mahirap na panahon o maiayos ang tila magkakasabay talaga na mga priyoridad?” Ito ang konsepto ng "tandaan, tandaan." Bakit madalas sabihin iyan sa atin ng Ama sa Langit? Dahil ba sa may tendensiya tayong makalimot? Dahil ba maaaring maranasan mo ang magandang himalang ito at, habang nagpapatuloy ka sa iyong buhay, at pagkatapos ay may isa pang hamon, at mahirap magtiwala na magiging maayos ang lahat? Sa tingin ko, hinihiling sa atin ng Ama sa Langit na makaalala dahil umaasa Siya na matututo tayo na magtiwala sa Kanya. Kung makapagtitiwala tayo sa Kanya, anuman ang mangyari, malalampasan natin ito—nang may kagalakan at nang may katatagan. Alam ninyo, hindi Niya tayo inilagay sa mundo para maging miserable. Kahit may masasamang bagay na nangyari sa atin, hindi tayo ganoon.

Kapag iniisip ko ang mga priyoridad, naiisip ko ang proseso ng paglikha. Alam ninyo, ang pagpapasiya kung paano gagamitin ang inyong oras, kung saan ninyo ilalaan ang oras, ay desisyon sa kung ano ang gusto ninyong likhain. Anong uri ng buhay ang gusto ninyong likhain? Natuklasan ko na kapag inuuna ko ang Diyos at nagtitiwala na tutulungan Niya akong gumanda ang buhay ko, magiging maayos ang lahat. Dahil alam ko na ang lahat ng bagay na iyon ay sumusunod sa hangarin ko na maglingkod sa Diyos at mahalin Siya at ipakita sa Kanya na mahal ko Siya.

Kapag iniisip ko kung paano ako namumuhay, hindi ko naiisip ang propesyon ko. Iniisip ko kung sino ang kailangan kong maging, at iyon ang North Star ko. Ang gabay ko sa paggamit ng aking oras at priyoridad ay ang yaong pagmamamahal ko kay Cristo, ang yaong pagmamahal ko sa ating Ama sa Langit. At sa tingin ko, may mahalagang bagay pa. Kung malapit tayo sa Espiritu, gagabayan Niya tayo sa ating buhay. Tutulungan ka Niyang magbago sa tamang panahon. Tutulungan ka Niyang gumawa ng mga desisyon para sa walang-hanggan—tulad sa kasal, pamilya, pagsuporta sa mahal mo sa buhay, paglilingkod sa mahal mo sa buhay—para ang pokus ay hindi laging ikaw o ang ginagawa mo kundi ang kahihinatnan mo.