Library
Pagkakaroon ng Lakas at Ginhawa kay Jesucristo: Dana Earl


3:6

Pagkakaroon ng Lakas at Ginhawa kay Jesucristo: Dana Earl

Debosyonal ng Relief Society sa 2026: Isang Pandaigdigang Pagtitipon ng Kababaihan

Linggo, Marso 8, 2026

Ilang taon na nang sinimulan kong isulat ang mga kuwento sa buhay ko, nang nadama ko ang Espiritu o ang impluwensiya ng Tagapagligtas sa buhay ko o nang nadama ko ang ginhawang hatid Niya sa oras na kailangan ko Siyang madama. At isinulat ko ang mga kuwentong ito dahil gusto kong ibigay ang mga ito sa mga anak ko. Pero ang nangyari, habang ginagawa ko ito ay nagsimula kong makita ang kamay ng Diyos sa buhay ko. Sa pagsulat ng mga karanasang ito, nagsimula kong makita na nariyan ang Diyos para sa akin, nakita ko ang Kanyang kamay, na nagkaroon ako ng napakagagandang karanasan, at may ebidensiya na may malasakit Siya sa akin at alam kong nariyan Siya sa tuwina. At parang naisip ko na nagiging maliliit na regalo ang mga ito na naiisip ko na halos mailalagay ko sa aking bulsa, na madadala ko kahit saan. Kaya kapag hindi maganda ang aking araw o buwan, puwede kong dukutin ang karanasang iyon at masabing, “Alam ko. Dahil tunay ang karanasan ko na iyon, at hindi ako nagdududa dahil naranasan ko iyon. At talagang akin ito."

At sa tingin ko, alam ko, kumbinsido ako na nais ng Ama sa Langit na maranasan natin ito kasama Niya. Naniniwala ako na iyon ang dahilan kung bakit mayroon tayong mga banal na kasulatan—para maranasan natin ito kasama Siya. At oo, visual person ako, kaya dala-dala ko ang maliit kong koleksiyon ng mga karanasan. At bawat isa sa mga ito, mailalabas ko kapag kailangan ko ang mga ito. At ang pagsulat sa mga ito ay nakatulong para maalala ko ang mga ito. At sa tuwing kailangan ko, nandiyan ang mga ito.

Kaya ang dahilan kung bakit ko gustong maingatan ang mga kuwentong ito ay bilang patotoo ko sa naranasan ko at para sa aking mga anak at inapo, para magpatotoo rin sa aking Ama sa Langit, na nakita ko Siya, na nakita at nalaman ko. Pakiramdam ko, parang halik sa noo ang ilan sa mga ito. Na naramdaman ko, na alam ko. At gusto kong aminin iyon. Kaya patuloy kong isinusulat ang mga ito para aminin na nakita o naramdaman ko ito.