Mga Resource sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo para sa Lokal na mga Lider

Tulungan ang mga miyembro ng inyong ward, branch, o stake na maging mas kumpiyansa sa kanilang mga pagsisikap na magmahal, magbahagi, at mag-anyaya.

Mga Halimbawa ng Lingguhang Missionary Coordination

Mga halimbawa ng lingguhang missionary coordination meeting sa iba’t ibang panig ng mundo

Brodkast para sa mga Miyembro ng Simbahan

Habang nagtutuon ang inyong ward sa pagbabahagi ng kagalakang nagmumula sa ebanghelyo sa mga miyembro ng inyong komunidad, isipin na sama-samang panoorin ang pandaigdigang brodkast noong 2021. Pagkatapos, pagnilayan ang paanyaya ni Elder Dieter F. Uchtdorf na magdasal para malaman ang mga magagawa mo upang ipamuhay ang mga alituntuning natutuhan mo.

Mga Lesson sa Ika-5 Linggo

Ang ikalimang Linggo ng buwan ay magandang oportunidad para matuto nang magkakasama bilang ward tungkol sa kagalakang nagmumula sa pagbabahagi ng ebanghelyo at kung paano ibabahagi ang liwanag na iyon sa mga paraang katulad ng kay Cristo. Sa link sa ibaba, makakahanap ka ng mga materyal na tutulong sa iyo sa pagpaplano para sa isang magandang talakayan.

Maghanda ng Lesson

Brodkast para sa mga Lider

Matutulungan mo ang mga miyembro ng inyong ward, branch, o stake na maging mas kumpiyansa sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Ang training ay nagbibigay ng nakatutulong na payo para sa mga lider habang ipinatutupad nila ang mga alituntunin ng pagmamahal, pagbabahagi, at pag-anyaya sa kanilang mga kongregasyon. Ang mga brodkast ay makukuha ayon sa rehiyon at kabilang sa mga tagapagsalita sina Elder Dieter F. Uchtdorf, Elder David A. Bednar, at Elder Quentin L. Cook.

Pagbabahagi ng Ebanghelyo: Isang Brodkast para sa mga Lider
Huling Na-Update Noong 10 Peb 2026