Ang masustansyang pagkain ay mahalaga sa paglago at paglaki, lalo na ng mga bata. Ang paghahayag na kilala bilang Word of Wisdom ay naglalaman ng mga katotohanan para tulungan tayong lumaki sa pisikal at espirituwal (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89). Ipinaliliwanag ng paghahayag na ito na naglaan ang Diyos ng maraming masustansyang pagkain para sa ikabubuti ng Kanyang mga anak. Inuutusan tayong kumain ng mga pagkaing tulad ng mga prutas, gulay, butil, at karne. Ipinapangako ang mga espesyal na pagpapala—kabilang na ang kalusugan, karunungan, mga kayamanan ng kaalaman, at katatagan—sa mga sumusunod sa inihayag na mga katotohanang ito.
Ang pinakamahalagang panahon para sa paglago ng utak at paglaki ng isang bata ay mula nang ipagbuntis siya hanggang sa magdalawa hanggang tatlong taon siya. Para masuportahan ang mabilis na paglaking ito, mahalaga ang wastong nutrisyon mula sa iba’t ibang pagkain. Tumutulong ang mabuting nutrisyon sa mga unang taon na ito na magkaroon ng matibay na pundasyon sa paglaki ng bata at tumutulong sa kanya na maiwasan ang habambuhay na mga problema sa kalusugan.
Bawat uri ng masusustansyang pagkain ay tumutulong sa katawan sa partikular na mga paraan. Halimbawa, tumutulong ang ilang pagkain sa paglaki ng katawan habang tumutulong naman ang iba pang mga pagkain sa pagkilos at pagkakaroon ng mga depensa ng katawan laban sa sakit. Para makuha ang mga benepisyong ito, kailangan ng mga bata ng balanseng diet. Maaaring mangahulugan ito ng pagdaragdag ng mga prutas at gulay sa kinakain ng isang bata o pagtiyak na kumakain sila ng protina. Magsimula sa pamamagitan ng pag-access sa mga tuntunin sa nutrisyon na nakabatay sa pagkain sa inyong bansa upang mas maunawaan kung anong mga pagbabago ang maaaring kailanganin. Dapat kasama sa kinakain ng isang bata ang mga pagkaing tulad ng:
Dapat ding makakuha ang mga bata ng maraming bitamina, kabilang na ang bitamina A at bitamina D, pati na rin ang masusustansyang taba, kabilang na ang saturated fats. Sa ilang lugar sa mundo, ang mga nakapaketeng pagkain ay maaaring maglaman ng impormasyon tungkol sa nutrisyon, na magagamit sa pagpili ng balanse at malulusog na pagkain. Makakatulong din ang pagkakaroon ng mabubuting gawi sa masustansyang pagkain sa tahanan para matiyak na nakukuha ng mga bata ang mga pagkaing kailangan para sa balanseng diet. Ang kabusugan ay hindi garantiya na masustansya ang iyong kinakain.
Sa simula, maaaring ayaw kainin ng mga bata ang ilang masusustansyang pagkain, tulad ng mga gulay at prutas. Makakatulong ang mga magulang sa pamamagitan ng regular na pagsasama ng mga pagkaing ito sa oras ng pagkain at paghahanda ng mga ito sa iba’t ibang paraan.
Dapat ay limitado ang mga ipinrosesong pagkaing kinakain ng mga bata, na karaniwa’y may halong maraming asukal, unsaturated fats, at asin. Ang pagbibigay ng masusustansyang meryenda sa halip na ito ay makakatulong sa mga bata na matanggap ang mga sustansyang kailangan para sa wastong paglaki ng kanilang katawan at isipan.
May ilang sanggunian na makukuha sa mga naghahanap ng tulong sa nutrisyon ng bata. Ang ilang sanggunian ay nangangailangan ng access sa mga doktor samantalang ang ibang mga sanggunian naman ay mura o libre.
Bilang magulang, magkakaroon ka ng natatanging oportunidad na suportahan ang iyong mga anak habang sila ay lumalaki at nagkakaroon ng mabubuting gawi sa pagkain. Kapag maaari, dapat gawin ng mga ina ang lahat para mapasuso ang mga sanggol hanggang magdalawang taong gulang ang mga ito.
Inirerekomenda ng WHO sa mga ina sa buong mundo na pasusuhin lamang ang mga sanggol sa unang anim na buwan ng bata para makamit ang pinakamainam na paglaki, paglago, at kalusugan. Pagkatapos niyon, dapat silang bigyan ng masusustansyang pantulong na pagkain at patuloy silang pasusuhin hanggang sa edad na dalawang taon o mahigit pa.1
Kapag hindi posible ang pagpapasuso, maaaring makatulong sa iyo ang mga lokal na klinika na makahanap ng mga alternatibo. Dapat subukan ng mga babaeng buntis o nagpapasuso na kumain ng iba’t ibang masusustansyang pagkain. Ang mga sustansya sa pagkaing kinakain ng mga ina ay nakakaapekto sa mga sanggol bago isilang at sa mga sanggol na pinasususo.
Isipin ang mga karagdagang ideyang ito habang humihingi ka ng patnubay sa panalangin:
Bukod pa sa mga pagsisikap ng mga magulang, maaaring makaimpluwensya ang mga lokal na lider ng Simbahan at ang mga ministering brother at sister sa wastong paglaki ng mga bata sa pamamagitan ng masustansyang pagkain. Isipin ang mga ideyang ito at ang iba pa habang humihingi ka ng patnubay sa panalangin.
1. World Health Organization, “Exclusive breastfeeding for six months best for babies everywhere,” Enero 15, 2011.