Pagpapahusay ng Nutrisyon ng Bata sa Pamamagitan ng Paghahalaman

A mother from Ecuador kneeling in a garden with her two sons and carrying another child on her back.

Nilikha ng Diyos ang mundo para sa ating kapakinabangan. “Lahat ng bagay na nanggagaling sa lupa, sa panahon niyon, ay ginawa para sa kapakinabangan at gamit ng tao, kapwa upang makalugod sa mata at upang pasiglahin ang puso” (Doktrina at mga Tipan 59:18). Isang himala ng paglikha na maaaring lumaki ang mga binhing itinanim sa lupa para maging mga halaman na makakain natin.

Ang paghahalaman ay isang magandang paraan para makapaglaan ng mabuting nutrisyon para sa mga bata at pamilya. Maaaring ibigay ng mga prutas at gulay na itinanim sa isang halamanan ang mga sustansyang kailangan ng mga bata para lumaki at lumago.

Ano ang mga benepisyo ng paghahalaman?

Ang paghahalaman ay isang magandang paraan para magkaroon ng mapagkukunan ng masusustansyang pagkain para sa inyong pamilya. Ang pagkain ng masusustansyang pagkain ay tumutulong sa mga bata na lumaki at lumago hanggang sa kanilang buong potensyal, at mas malamang na kumain ng masusustansyang pagkain ang mga bata kung tutulong silang itanim ang mga ito sa isang halamanan. Isang paraan din ang paghahalaman para makaipon ng pera at magkaroon ng sapat na supply ng sarili mong pagkain.

Anong mga uri ng pagkain ang dapat kainin ng mga bata?

Kailangang kumain ang mga bata ng iba’t ibang masusustansyang pagkain. Tinutulungan sila nitong lumakas at lumusog at maiwasan ang ilang sakit. Ang mga pagkaing kinakain ng ilang bata araw-araw ay hindi nagbibigay ng sapat na nutrisyon. Halimbawa, ang ilang “karaniwang pagkain” (tulad ng kanin) ay hindi sapat sa iba’t ibang bitamina, mineral, at iba pang mga sustansya.

Sa simula, maaaring ayawan ng mga bata ang pagkain ng ilang masusustansyang pagkain, tulad ng matingkad na berdeng mga gulay at prutas. Matutulungan ng mga magulang ang mga bata na masanay sa mga pagkaing ito. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng mga pagkaing ito at sa paghahanda ng mga pagkaing ito sa iba’t ibang paraan.

Paano mapapahusay ng paghahalaman ang nutrisyon ng mga bata?

Maaaring gamitin ang mga halamanan ng pamilya para magtanim ng mga prutas at gulay na masustansya. Maaaring makatulong ang mga ito na mapahusay ang nutrisyon ng mga bata. Bukod pa sa mga benepisyo ng nutrisyon, maaaring makatulong ang pagpapalago ng isang halamanan para matutuhan ng mga miyembro ng pamilya ang mga alituntunin ng pag-asa sa sariling kakayahan. Habang nagtutulungan sila, ang paghahalaman ay maaaring magbuo ng kooperasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya.

Maraming iba’t ibang paraan ng pagpapalago ng isang halamanan, kahit maliit lang. Halimbawa, maaaring gumamit ng maliliit na paso o iba pang mga lalagyan kung saan walang malalaking espasyo para sa halamanan. Mabilis magbunga ang ilang halaman samantalang maaaring umabot ng ilang buwan ang iba pa.

A young boy holds two orange carrots from a garden.

Paano ko sisimulan ang pagpapalago ng isang halamanan?

Bago mo simulan ang paghahalaman, isipin kung posible ba ang isang halamanang pampamilya. Matutulungan ba nito ang iyong mga anak na kumain ng mas maraming masusustansyang pagkain? Pagkatapos, matuto ng mabubuting gawi sa paghahalaman, tulad ng pagpili ng magandang lokasyon, pagtatanim, paghahanda ng lupa, pagkuha ng malinis na tubig, pagtiyak ng pagkalantad sa araw, at marami pang iba.

Habang nagtatrabaho sa isang halamanan, isipin din kung paano mo maituturo sa iyong mga anak ang mga alituntuning angkop sa iba pang mga aspekto ng kanilang buhay. Halimbawa, ang paghahalaman ay maaaring magturo sa kanila tungkol sa trabaho, pangangalaga, at pagtitiyaga.

Paano Tulungan ang Iba na Magpalago ng Isang Halamanan

Magagamit ng mga lokal na lider, pati na ng mga ministering brother at sister sa mga kongregasyon, ang impormasyong ito para tulungan ang mga indibiduwal na magsimula sa paghahalaman. Isipin ang mga ito at ang iba pang mga ideya habang humihingi ka ng patnubay sa panalangin.

Mga Ministering Brother at Sister

  • Kung alam ninyo kung paano, hikayatin at ituro ang paghahalaman sa mga pamilyang pinaglilingkuran ninyo.
  • Ibahagi ang mga ani ng inyong halamanan sa mga kapitbahay.

Mga Lokal na Lider

  • Maghanap ng lokal na mga sanggunian na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa paghahalaman. Maaaring maging mahalaga ang lokal na impormasyon kapag tinutulungan ang mga pamilya na mas maunawaan ang mga lokal na pananim, klima, at mga uri ng lupa.
  • Tulungan ang mga pamilya na matagumpay na magpalago ng mga halamanan. Tumulong na magsaayos para sa komunidad o indibiduwal na mga espasyo para sa halamanan, na maaaring kabilangan ng organisasyon at mga pagsisikap na matuto.
  • Kung maaari, kontakin ang mga nagtagumpay sa pagdaragdag sa nutrisyon sa tulong ng mga produkto ng halamanan. Anyayahan silang maging sanggunian ng iba pang gustong magsimula ng sarili nilang halamanan.
  • Tulungan ang mga pamilya na makuha ang mga supply na kailangan nila para magtagumpay. Mahalaga ito lalo na sa mga pamilyang nahihirapang sila mismo ang kumuha ng mga supply.
  • Mag-organisa ng mga workshop kung saan matututo ang mga tao ng mga kasanayan sa paghahalaman.

Kaugnay na Content

Huling Na-Update Noong 31 Okt 2024