Paano Nakakaapekto ang Wastong Nutrisyon sa Paglago ng Utak ng mga Bata

Chile:Family Life

May malaking epekto ang maaagang karanasan sa buhay, pati na ang wastong nutrisyon, sa lumalagong utak ng isang bata. Sa mga unang taon ng buhay ng isang bata, ang utak ay mabilis na lumalago, lubos na umaasa sa wastong nutrisyon at pangangalaga para tulungan itong lumago nang wasto.

Sinabi ni Elder M. Russell Ballard na ang mga aktibidad sa pangangalaga mula sa isang ina at ama ay mahalagang bahagi ng mga pisikal na pangangailangan ng isang bata. Kabilang dito sa mga aktibidad sa pangangalaga ang pagpapakain sa inyong anak ng masusustansyang pagkain gayundin sa pakikipaglaro, pagmamahal, at pagkukuwento sa inyong anak. “Ang pangangalaga at pag-aaruga ay mas mahalaga sa pag-unlad ng isang bata kaysa sa anumang partikular na pamamaraan ng pagpapalaki sa anak.”1 Kaya paano natin matitiyak na natatanggap ng ating mga anak ang wastong pangangalaga at nutrisyon na kailangan nila para lumago nang wasto?

Kailan nagsisimulang lumago ang utak ng isang bata?

Ang pinakamahalagang panahon para sa paglago ng utak ng isang bata ay mula nang ipagbuntis siya hanggang sa magdalawa hanggang magtatlong taon siya. Sa panahong ito, mas mabilis na lumalago ang utak kaysa iba pang panahon. Ang mga unang taon na ito ang pinakamagandang pagkakataon para tulungan ang utak ng bata na lumago nang husto at maging matatag na pundasyon para magtagumpay sa buhay.

Paano nauugnay ang nutrisyon ng bata sa paglago ng utak?

Ang isa sa pinakamahahalagang dahilan ng magandang paglago ng utak sa mga unang taon ng buhay ng isang bata ay ang nutrisyon. Tumutulong ang masusustansyang pagkain para lumago nang wasto ang utak at lumaki ang katawan. Dahil hindi na mapapalitan kalaunan ang paglagong nangyari sa utak sa unang dalawa hanggang tatlong taon ng buhay ng isang bata, mahalagang tiyakin na kumakain ng masusustansyang pagkain ang isang bata sa mga unang taon na iyon. Sa pagkain ng masusustansyang pagkain nang maaga sa buhay, maaabot ng isang bata ang kanyang buong potensyal sa hinaharap.

Paano ko matutulungang lumago nang wasto ang utak ng aking anak?

Para matiyak ang matibay na paglago ng utak, kailangang magkaroon ng magandang nutrisyon ang mga bata. Pakainin sila ng mga pagkain mula sa lahat ng grupo ng pagkain upang makuha nila ang lahat ng sustansyang kailangan nila para lumaki.

Bukod pa sa nutrisyon, malaki ang epekto ng kapaligiran at mga karanasan ng isang bata sa pagbubuo ng mga koneksyong ito. Para sa magandang paglago ng utak, kailangang makibahagi ang mga bata sa mundo sa kanilang paligid. Kailangan din nila ng mga ugnayang mapagmahal at may kakayahang tumugon, mga pakikipag-ugnayan sa mga tao, at mga pagkakataong makihalubilo at tuklasin ang kanilang mundo.

Paano Maipauunawa sa Iba ang Paglago ng Utak

May kilala o naglilingkod ka ba sa isang tao na maaaring makinabang sa pag-aaral tungkol sa paglago ng utak ng bata? Narito ang ilang paraan na maaari mong turuan ang iba at tulungang suportahan ang magandang paglago ng utak para sa mga bata sa inyong lugar. Isipin ang mga ideyang ito at ang iba pa habang humihingi ka ng patnubay sa panalangin.

Mga Ministering Brother at Sister

Ituro ang mga alituntunin ng paglago ng utak sa mga pamilyang pinaglilingkuran ninyo. Ibahagi ang gabay na sanggunian ng pamilya tungkol sa paglago ng utak sa mga pamilya kapag naaangkop. Posibleng talakayin at ipakita ang isa o dalawa sa mga ideya sa sheet.

Mga Lokal na Lider

Bilang lider ng Simbahan, maraming paraan para matulungan mo ang mga pamilya na matuto tungkol sa paglago ng utak ng bata. Halimbawa, maaaring mag-organisa ka ng isang klase o aktibidad para sa mga pamilyang may maliliit na bata, tiyakin mo na may iba’t ibang ligtas at makukulay na laruan ang Primary nursery, at maghanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa paglago ng bata para maibahagi sa mga magulang na interesado. Kapag nagtatalaga ng mga ministering brother at sister, isaisip kung sino ang maaaring lubos na makatulong sa isang pamilyang may maliliit na anak.

Mga Reperensya

  1. Elder M. Russell Ballard, sa “The Sacred Responsibilities of Parenthood”, BYU Speeches, Agosto 19, 2003.

Kaugnay na Content

Huling Na-Update Noong 30 Okt 2024