Mga Virtual Tour sa mga Makasaysayang Lugar

Maranasan at makita ang mga makasaysayang lugar sa kung saan ka man nakatira sa mundo. Mag-iskedyul ng live at virtual tour na ginagabayan ng mga missionary o manood ng pre-recorded video tour.

Mag-iskedyul ng Live Virtual Tour

Manood ng Virtual Tour Video

Mga Karaniwang Tanong

Ang live virtual tour ay isang naka-iskedyul na paglilibot na gagabyan ng mga missionary na kasalukuyang naglilingkod sa makasaysayang lugar, samantalang ang virtual tour video ay isang pre-recorded tour na maaaring panoorin anumang oras.
Ang live virtual tour ay katulad ng isang in-person tour. Habang ginagabayan ka ng mga missionary sa paglibot sa makasaysayang (mga) gusali, maririnig mo ang mga kuwento tungkol sa mga taong nanirahan o nagtrabaho roon, malalaman ang mahahalagang pangyayari, gayundin ang mga bagay na may kaugnayan dito. Maaari mong itanong sa mga missionary ang anumang tanong mo sa oras ng virtual tour o pagkatapos nito.
Ang live virtual tour ay magkakaiba sa haba ng oras depende sa lugar at sa bilang ng mga kasamang gusali. Sa pangkalahatan, tatagal ang mga ito sa pagitan ng 30 minuto hanggang isang oras.
Pagkatapos mag-sign up para sa isang live virtual tour, makakatanggap ka ng isang confirmation email. Sa email na ito, may mga pagpipilian upang kanselahin o baguhin ang iyong appointment. Kailangan mong magkansela o mag-iskedyul muli nang hindi lalampas sa 24 na oras bago magsimula ang iyong virtual tour.
Ang mga live virtual tour ay palaging nasa wikang Ingles at regular na nasa wikang Espanyol. Depende sa mga missionary na inatasang maglingkod sa makasaysayang lugar, maaaring may iba pang mga wika. Kung walang missionary na nagsasalita ng iyong sariling wika, maaari kang magdala ng sarili mong translator sa virtual tour. Kung balak mong magdala ng translator, mangyaring isulat sa scheduling form kapag nag-book ka ng iyong tour.

Ang mga pre-recorded virtual tour ay available sa Ingles at ang isang piling numero ay available sa Espanyol.
Maliban sa Historic Nauvoo at Carthage Jail, ang mga live virtual tour ay limitado sa indibidwal o grupo na nag sign-up. Ang live virtual tour ng Historic Nauvoo at Carthage Jail ay kayang magamit sa hanggang sa 300 device, kaya maaaring kasama ka ng iba pang mga tao sa isang virtual tour.
Ang mga live virtual tour ay maaaring mapanood sa anumang device na may maaasahang internet connection at naka-install ang Zoom.
Kung mayroon kang karagdagang katanungan tungkol sa panonood ng live virtual tour ng isang makasaysayang lugar, mangyaring mag-email sa mga missionary na nag-aayos ng iskedyul sa lugar na interesado kang libutin.

Sacred Grove: NYSitesScheduler@ChurchofJesusChrist.org
Priesthood Restoration Site: PRSiteScheduler@ChurchofJesusChrist.org
Historic Kirtland and Johnson Home: OHSitesScheduler@ChurchofJesusChrist.org
Historic Nauvoo at Carthage Jail: ILSitesScheduler@ChurchofJesusChrist.org

Kaugnay na Content

Historic Kirtland

Historic Kirtland, in Kirtland, Ohio, includes a visitors’ center and six historic structures: a schoolhouse, a sawmill, an ashery, the Newel K. Whitney and Company store, Newel and Ann Whitney’s home, and the Johnson Inn, which now houses historical exhibits.
Last Updated On Nov 19, 2024